Vice umupo sa tuktok ng GMA logo!

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon April 7, 2024 | 12:00am Nangyari na ang isa sa pinakamasaysayang moment sa telebisyon at pinaka-iintay ng madlang people nang mag-debut ang longest-running noontime show ng It’s Showtime sa GMA kahapon na nagtrending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online. Grabe ang […]

Vice umupo sa tuktok ng GMA logo!

Vice umupo sa tuktok ng GMA logo! thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

April 7, 2024 | 12:00am

Nangyari na ang isa sa pinakamasaysayang moment sa telebisyon at pinaka-iintay ng madlang people nang mag-debut ang longest-running noontime show ng It’s Showtime sa GMA kahapon na nagtrending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online.

Grabe ang paandar ng birthday girl na si Vice Ganda ang programa sa isang mala-Dune performance at ang pag-upo niya sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso network pati na ang performance niya ng Thunder, Champion, at Hall of Fame.

Samantala, sunod-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez,  Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers.

Pinasalamatan din ng unkabogable star ang bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa nito ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa. Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people.

“Ito ay para sa lahat ng Madlang People na mapapasaya namin simula sa araw na ito. Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa ‘It’s Showtime’, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso,” saad niya.

Samantala, nakisaya naman at nakisali sa Karaokids segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Sumalang naman sa espesyal na episode ng Expecially For You  Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez.