Tahanang Pinakamasaya… ire-reformat
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon February 23, 2024 | 12:00am Tuloy pa rin ang taping ng Running Man sa South Korea, pero sa pagkakaalam namin, matatapos na sila ngayong linggo. Nakikita lang namin sa Facebook account ni direk Rico Gutierrez na nasa set pa sila at sobrang lamig pa rin sa […]
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon
February 23, 2024 | 12:00am
Tuloy pa rin ang taping ng Running Man sa South Korea, pero sa pagkakaalam namin, matatapos na sila ngayong linggo.
Nakikita lang namin sa Facebook account ni direk Rico Gutierrez na nasa set pa sila at sobrang lamig pa rin sa kanila.
Sabi ng ilang napagtanungan namin, baka this week daw ay matatapos na sila.
Nung nakatsikahan nga namin si Glaiza de Castro via zoom, na-miss na raw niya ang Pilipinas.
Nabanggit pa niyang susunod sa kanya roon ang asawa niyang si David Rainey kaya excited na rin siya. Pero may ilang fans daw na nagsi-send sa kanya ng mga video sa Tahanang Pinakamasaya. Kaya na miss na rin daw niya ang co-hosts niya sa naturang noontime show ng TAPE, Inc.
“Oo nga! May nag-send nga po sa amin ng video na may mga audience nga po miss na rin daw kami,” bulalas ni Glaiza.
“Nagugulat na lang kami, ay ilang araw na lang pala ‘yung taping namin. So, sinusulit naman po namin dahil malamig dito.
“Minsan masarap maglakad-lakad kahit hindi masyadong malamig. Masarap mag-ano, may mga nami-meet na rin kaming mga Pinoys. Katulad kanina, may nagpa-picture sa amin. Ang sabi, inaabangan na raw talaga nila ‘yung Running Man. So, nakakatuwa dahil kahit papano, nandito kami sa Korea, may mga naka-recognize sa aming mga Pinoy,” sabi pa ni Glaiza.
Bukod kay Glaiza, nasa Tahanang Pinakamasaya na rin sina Kokoy de Santos at Buboy Villar na nandun din sa South Korea.
Sana nga pagbalik nila, matutuloy na ang pag-reformat ng naturang noontime show.
Bea, pinagsasalita!
Kasabay ng pagsasalita ni Tita Cristy Fermin tungkol sa isyu kina Mayor Bullet Jalosjos at dating Congressman Bong Suntay, lumabas naman ang kabuuan ng interview ni Jay Ruiz sa dalawang pulitiko.
Mahigit 32 minutes ang kabuuang interview, sa YouTube channel ni Jay Ruiz, at halos 150 thousand views na ito sa loob ng 12 hours.
Sa tono ng mga sagot ni Mayor Bullet ay pinag-uusapan na ang balak na pagsampa ng demanda laban sa pagkadamay nila sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
“’Yung sa amin naman, ako, specifically si Bong, we will do everything na ayusin din tong mga nangyayari.
“I hope na because of this magkakapangil na ‘yung batas, and I will do some legal actions on this,” bahagi ng pahayag ni Mayor Bullet.
Kailangan na rin daw talaga nilang magsalita sabi ni Atty. Bong Suntay para malinaw ang lahat, dahil sa mabilis na pagkalat ng ganung tsismis na hindi naman totoo, parang nagiging totoo na rin.
Hindi lang daw sila apektado, kundi pati na rin ang kanilang pamilya.
“Minsan ‘yung tsismis mas pinaniniwalaan kesa sa katotohanan e. Dahil ‘di ba, the more na sensational ‘yung istorya mas maraming gustong makinig at pagkanapag-usapan na ‘yun ang daming gustong sumawsaw ‘di ba?” pakli naman ni Bong Suntay.
Ibinahagi rin Bong Suntay na naging close na rin daw sa kanila si Bea. Sa katunayan, kinausap na pala siyang maging ninong sa kasal ng dating magkasintahan.
Ani Bong Suntay, “Kagaya nga ng sinasabi ko, kukunin nga nila dapat akong ninong sa wedding nila e. Kaya nga ako, confident na later on siguro, for the sake of that closeness, ‘yung respect naman ‘yun para sa amin na kaibigan niya, they should clarify this issue come out and explain.”
‘Yun nga ang pinagdiinan din ni Jay Ruiz na dapat ay magsalita na rin sina Bea at Dominic para malinawan ang lahat, na hindi totoo ang mga ikinakalat na balita.
Sabi naman ni Mayor Bullet, “Although we understand their situation, we wanna give them time to heal, to talk about things na sana maayos din nila. But, during those times na nag-iisip sila about what they’re gonna be doing, sana maisip din nila na may mga ibang tao na hindi kasama sa breakup na hindi rin puwedeng maiwasan lang din.
“We hope as friends, I think it’s the most decent thing to do.”
“Ang amin lang talaga sana hindi maapektuhan yung mga people around us also. For us to come out and say na kahit papano hindi talaga totoo e ‘yung nangyayari e. That’s why we want to clarify that.”