Sarah, natatakot ‘pag iniisip ang future ng mga anak
Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa TV5 ang Lumuhod Ka Sa Lupa na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati. Makakatrabaho ng aktres sa bagong serye ng Kapatid network sina Sid Lucero, Rhen Escaño at Kiko Estrada. Hindi raw inakala ni Sarah na muli siyang makagagawa ng isang acting project. “I am very grateful. I don’t […]
Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa TV5 ang Lumuhod Ka Sa Lupa na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati. Makakatrabaho ng aktres sa bagong serye ng Kapatid network sina Sid Lucero, Rhen Escaño at Kiko Estrada. Hindi raw inakala ni Sarah na muli siyang makagagawa ng isang acting project. “I am very grateful. I don’t think life is perfect for everyone but it’s all about perspective. Going back again to counting your blessings. How lucky I am. Personally it’s not something that I expected would happen in my life. But now I take it one day at a time, making sure I’m in the present and I count my blessings. I’m shocked. I didn’t think I would be acting again,” nakangiting pahayag ni Sarah sa On Cue ng ABS-CBN.
Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay pansamantalang nagpahinga ang model-actress sa show business. Maglalabing-isang taong gulang na ang panganay na anak nila ni Richard Gutierrez na si Zion at mag-aanim na taong gulang naman ang bunsong si Kai.
Kahit napabalitang hiwalay na sa asawa ay sinisikap ni Sarah na maging positibo pa rin ang pananaw sa buhay. “Just like any human being, I get anxious when I think about the future not just for myself but for my children. As a woman and as a mom, you can’t help but worry over the simplest things. It’s all about shifting perspective and like, okay, let me take a step back, and reassess and you’re suddenly okay. Life is actually good and I’m feeling grateful that I’m surrounded by an amazing support system,” makahulugang paliwanag niya.
Ngayong aktibo nang muli sa pag-arte sa harap ng kamera ay mayroon pang ibang pinapangarap na gawin si Sarah. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ng aktres na makagawa ng isang proyekto ng aksyon ang tema. “I would like to do action because I’m sporty, moving around. I would like to do something where I’m physically active and shoot some cool moves,” pagtatapat ng model-actress.
Janella, may kakaibang ginawa sa Thai actor
Magbibida si Janella Salvador sa pelikulang Under Parallel Skies kasama ang Thai actor na si Win Metawin. Gagampanan ng aktres ang karakter ng isang Pinay na nagtatrabaho sa Hong Kong. Ibang atake raw ang ginawa ni Janella sa bagong proyekto. “Napanood ko ‘yung Hello Love Goodbye, it’s more of a drama rin. Siguro ‘yung atake rin, siya may pagka-drama pero ‘yung character ko rito, she’s a bit quirky,” bungad ni Janella.
Nakatakdang ganapin sa Hong Kong ang grand premiere ng Under Parallel Skies para sa 17th Asian Film Awards sa March 11. Mapapanood naman sa mga sinehan sa Pilipinas ang bagong pelikula simula April 17. Ipapalabas din sa Singapore simula May 1 at Thailand simula May 9 ang naturang proyekto. Para kay Janella ay kailangang pakaabangan ng mga kababayan natin sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanilang pinagtambalang pelikula ni Win. “Direk Sig (Bernardo) actually likes creating characters that are quite quirky, may pagka-comedy din siya. It’s not just gonna be all heavy, it’s kilig, drama, but at the same time you’ll gonna feel warm and laugh. Despite all our differences, even if we’re from different parts of the world, we’re all under the same sky. We’re all connected, we’re all capable of loving each. I think that’s a really nice way to look at the film,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)