Ruru Madrid sa pagbati niya kay Bianca Umali: Binago mo ako patungo sa mas mabuting tao

Inihayag ni Ruru Madrid ang kaniyang matamis na pagbati para sa kaniyang nobyang si Bianca Umali, na ipinagdiriwang ang kaniyang ika-23 na kaarawan ngayong Sabado. “Happy birthday to the most amazing woman in my life! ???? You are truly the Yin to my Yang, My partner in laughter and My worst enemy. ????” saad ni […]

Ruru Madrid sa pagbati niya kay Bianca Umali: Binago mo ako patungo sa mas mabuting tao

Ruru Madrid sa pagbati niya kay Bianca Umali: Binago mo ako patungo sa mas mabuting tao thumbnail

Inihayag ni Ruru Madrid ang kaniyang matamis na pagbati para sa kaniyang nobyang si Bianca Umali, na ipinagdiriwang ang kaniyang ika-23 na kaarawan ngayong Sabado.

“Happy birthday to the most amazing woman in my life! ???? You are truly the Yin to my Yang, My partner in laughter and My worst enemy. ????” saad ni Ruru sa ginawa niyang Instagram reel na ipinakikita si Bianca sa mga nagdaang taon.

Kabilang din dito ang kanilang mga travel trip sa iba’t ibang lugar.

“Dahil sa pagmamahal at pag-alaga mo, binago mo ako patungo sa mas mabuting tao. Binigyan mo ng direksyon and buhay ko, dahil ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Im grateful to have you as my best friend for life and I can’t wait to see our future unfold together. ♥?” saad ni Ruru tungkol sa kaniyang girlfriend.

“Hindi ako magsasawa na sabihin sayo kung gaano ka kaganda sa araw-araw at kung gaano ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Muli, Maligayang kaarawan sa pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buhay ko. ????????” pagpapatuloy ni Ruru.

Sa huli, inilahad ni Ruru ang kaniyang pagmamahal kay Bianca.

“Mahal na mahal kita, Maria Isadora Bianca!”

Ipinagdiwang nina Ruru at Bianca ang kanilang ikalimang anibersaryo noong nakaraang taon.

Nagkasama na sina Ruru at Bianca sa Kapuso series na “The Write One.”

Nakatakdang bumida si Bianca para sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan gaganap siya bilang si Terra, ang bagong tagapagmana ng Brilyante ng Lupa at anak ni Danaya.

Si Ruru naman ang bida bilang si Elias Guerrero sa Kapuso drama action series na “Black Rider.”

— DVM, GMA Integrated News