Pulos TY ‘pag nagdarasal… Marian, na-realize na ‘life is too short’

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon March 14, 2024 | 12:00am Pulos ‘gratefulness’ ang binabanggit ni Marian Rivera. Kaya sa tuwing nagdarasal daw sila, nagpapasalamat na lang siya. “Lagi kong sinasabi sa mga anak ko ‘pag nagdarasal kami sa gabi na maging thankful kami sa mga blessing ni Lord sa amin,” umpisa […]

Pulos TY ‘pag nagdarasal… Marian, na-realize na ‘life is too short’

Pulos TY ‘pag nagdarasal... Marian, na-realize na ‘life is too short’ thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

March 14, 2024 | 12:00am

Pulos ‘gratefulness’ ang binabanggit ni Marian Rivera.

Kaya sa tuwing nagdarasal daw sila, nagpapasalamat na lang siya.

“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko ‘pag nagdarasal kami sa gabi na maging thankful kami sa mga blessing ni Lord sa amin,” umpisa ng Box Office Queen nang tanungin ko kung ano pa ang pinagdarasal niya.

Bago pa man siya naging Box Office Queen, si Marian ang GMA Primetime queen, most followed local celebrity sa Facebook kung saan meron siyang 29 million followers, ilang milyon din ang followers niya sa Instagram and TikTok.

Pero marami rin daw siyang realizations sa buhay lately at ang pinaka-sigurado lang dito ay : “Life is too short.”

“So, sa maikling paglalakbay na ‘yan siguraduhin mo na marami kang natutulungang ibang tao at masaya ka bilang ikaw,” sabi pa ni Marian.

Pero inasahan ba nila ang massive success ng pelikulang Rewind na more than sa billion peso na raw ang kinita kasama na ang mga kita sa abroad?

“Actually hindi. Nag-usap kami ni Dingdong (Dantes), siyempre at first parang sinabi namin kung laban ba tayo (sa pelikula)…. Bahala na. Tapos nung binasa namin ang script, ahh malinaw sa amin na gagawin namin ang Rewind kasi gusto namin ipasa ang message ng pelikulang ito sa ibang tao.

“Ano ba ang mga message na ito, maikli lang ang buhay, mahalin natin ‘yung mga taong nagmamahal sa atin, ‘wag puro poot o galit ‘yung pairalin natin kung nakagawa ng masama sa atin, bakit hindi natin pagbigyan at patawarin ang mga taong ito.

“So parang ganun, ang lahat nang ito, utang na loob kay Lord. Lahat ito ay panandalian lamang. Ang tingnan natin is the eternal life na kasama natin Siya. ‘Yun ang totoong buhay,” mahabang sagot ni Marian sa ginanap na media launching ng bago niyang endorsement para sa I AM Worldwide.

Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang #Blessed dahil kitang-kita rin ito hindi lang sa aura niya mapa-career o personal life man.

Bukod nga sa global success ng 2023 MMFF entry nila na Rewind ng mister (na mapapanood na rin sa Netflix simula March 25) at taping ng bagong serye na My Guardian Alien sa Kapuso network, kabi-kabila rin ang endorsement shoot/launch ng mommy nina Zia at Sixto.

Bukod dito, may ina-eye silang pelikula na hindi pa umano niya pwedeng i-share ang detalye at may launch bilang Pinay endorser ng Kiko Milano sa Milan.

“Magsu-shoot kami sa Milan with Kiko. Du’n isu-shoot lahat at ilu-launch ako du’n for makeup,” pagbabalita pa ng box-office queen nang humarap sa formal launch bilang celebrity endorser ng Amazing Pure Organic Barley Powdered Drink sa Manila House.

Kapansin-pansin din ang ang freshness niya sa suot na mustard Zimmermann outfit na tinernuhan ng Valentino designer shoes, Dior earrings/necklace at Michelate ring.

At nang tanungin kung open ba siya sa ideya na maging global fashion icon, ani Marian, pwede naman. “Pero siguro more on parang hindi muna. Parang du’n muna ako sa Kiko. Ang daming trabaho dito,” paglilinaw niya.

Sa ngayon, bukod sa trabaho, siya talaga ang nagpapaligo kina Zia at Sixto tuwing papasok sa eskwelahan na ngayon pa lang, pinapraktis na rin ang hashtag “blessed.”

Turo ng aktres, maging blessed ang dalawang anak sa kung ano ang meron sila.

“Kasi lahat ng ito ay balewala kung hindi maganda ‘yung relationship mo sa Taas. So dapat meron talaga, the connection is there. Kahit ano pa ang gawin mo, kahit ikaw pa ang pinakamaganda, pinasikat, pinakamaraming endorsement, at the end of the day, ‘pag natutulog ka at maganda ‘yung relationship mo sa Kanya at nakakausap mo Siya, parang ‘yun na ‘yung sinasabi na “finish everything.”

Sa ka-busy-han niya ngayon, nagpapasalamat si Marian sa mga produktong tulad ng Amazing Pure Organic Barley Powdered Drink dahil naa-afford niyang pagsabay-sabayin ang kanyang resposibilities sa pamilya, trabaho at sa sarili niya.

Dahil ramdam ang magandang dulot nito sa kalusugan gaya ng mahimbing na tulog at maayos na digestion, maging ang pamilya, nanay at mommy niya, umiinom din nito.