Dakmaan nina Whang-od at Papa P, kinaiinggitan!

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon March 14, 2024 | 12:00am Apo Whang-od at Piolo Pascual STAR/File Iba’t iba ang reaction sa kumalat na video na hinipuan ng indigenous tattoo artist na si Apo Whang-od si Piolo Pascual ng private part nito. Makikita nga sa nag-viral na video ng pinakamatandang mambabatok na […]

Dakmaan nina Whang-od at Papa P, kinaiinggitan!

Dakmaan nina Whang-od at Papa P, kinaiinggitan! thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

March 14, 2024 | 12:00am

Apo Whang-od at Piolo Pascual

STAR/File

Iba’t iba ang reaction sa kumalat na video na hinipuan ng indigenous tattoo artist na si Apo Whang-od si Piolo Pascual ng private part nito.

Makikita nga sa nag-viral na video ng pinakamatandang mambabatok na dinakma nito ang bird ni Papa P sa kanyang shop sa Buscalan.

Actually, may bwelo pa siya. Hahaha.

Pero nasa hitsura naman nilang na-enjoy nila ang nasabing dakmaan dahil nakikitang tawang-tawa sila at maririnig pang nagsisigawan ang mga andun at obvious na alam nilang may mga nagvi-video.

Alam mo rin naman aprubado nina lola Whang-od at Papa P ang nasabing eksena sa totoong buhay na hipuan.

Pero ang punto ng iba, kung lalaki si Apo Whang-od at babae ang hinipuan tiyak na nagwala na ang maraming netizens.

Tiyak daw na isang sexual harrassment na ‘yun lalo na at may edad na ang mambabatok.

Kaya naman may mga nagpapa-cancel sa kanya.

Pero 107 na ang edad ni Whang-od kaya ‘wag nang bigyan ng malisya ang panghihipo niya kay Papa P.

Saka sa mga ganung lugar, remote areas, walang malisya ang ganun. Ang social media lang ang nagpalala.

Anyway, hindi ito ang first time na diumano’y nandakma ang pinakamatandang mambabatok.

Minsan nang kumalat ang isang video na may hinipuan din itong medyo bagets pa na hindi rin naman nagalit.

Last Feb. 14, 2024 nang tumanggap Whang-od ng Presidential Medal of Merit na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang seremonya sa Palasyo ng Malacañang bukod sa magandang cover ng isang magazine ang mambabatok na nag-viral hanggang abroad.