Pinoy horror movie na ‘Mananambal,’ ipapalabas sa film festival sa Japan
Mapapanood sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor. Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle actress ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024. “Honored to be […]
Mapapanood sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor.
Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle actress ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024.
“Honored to be given this opportunity and to experience this side by side with our National Artist, the one and the only Ms. Nora Aunor,” saad ni Bianca sa post.
Ang “mananambal” ay tinatawag ding mga “manggagamot” sa tradisyonal na paraan at may kakayahan din umano na manakit.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Adolfo Alix Jr. at kasama rin sina EA Guzman at Kelvin Miranda.
Kamakailan lang, binati si Bianca ng kaniyang nobyong si Ruru Madrid sa bago nitong pelikula.
“Congratulations sa aking Mahal!” saad ni Ruru sa IG post. “Alam ko kung gaano mo ito pinaghandaan at pinagpaguran, kaya sigurado akong magtatagumpay ka at ang lahat ng bumubuo ng pelikula na ito.” — FRJ, GMA Integrated News