Peraphy ng EB
NakNgFU – Mr. FU – Pilipino Star Ngayon April 11, 2024 | 12:00am Sa halos limang dekada ng Eat Bulaga, hindi pa rin sila nauubusan ng pakulo. (luma nung term ha!) Tumatatak ang anumang naiisipan nilang ipalabas sa mga manonood. (ang tataba ng utak!) Ngayon meron silang Peraphy. Simple lang ang laro. Balasahin ang giant […]
Sa halos limang dekada ng Eat Bulaga, hindi pa rin sila nauubusan ng pakulo. (luma nung term ha!) Tumatatak ang anumang naiisipan nilang ipalabas sa mga manonood. (ang tataba ng utak!) Ngayon meron silang Peraphy. Simple lang ang laro. Balasahin ang giant cards at hulaan kung pataas o pababa ang mabubunot mong card. Pero syempre hindi sila gumagawa ng game na parang wala lang. Dyan nila sinabak ang binuo nilang SQ o Singing Queens na sina Sam, Eunice, Jean, Khazey at Anne na bumibirit habang bitbit ang mga baraha. (ke-gaganda ng mga ate mo ha!)
In fairness sa Dabarkads, hindi nila ako kinakalimutan ‘pag may ganyan silang bagong segment at naisasalang ako. (at nakakapag-maganda!) Kaya last week, go ako sa Peraphy. (di ako tumatanggi sa grasya!) Sina Bossing Vic Sotto, Miles Ocampo at Maine Mendoza ang hosts ng segment. (pwede akong pang-apat na host ha!)
Iba talaga ‘yung feeling kapag nakaka-banter mo on cam si Bossing. Isa itong karangalan! (pero marangal ba ako?!)
Nag-feeling close din ako kina Miles at Maine na medyo inintriga ko pa ang kani-kanilang love life. (bilang certified Marites University Scholar ako!) Isa sa pinili kong SQ para sa aking baraha ay si Eunice na “pinagselosan” ni Maine nung mag-guest ang asawa nyang si Arjo Atayde sa segment. Gusto ko lang mang-asar!(Pero I’m sure charotan lang ang selosan!) Itinaya ko naman ang isang baraha para sa love interest ni Miles. Off cam kasi tinanong ko sya kung nagkabalikan na sila ni Elijah Canlas, ang sagot nya: “Getting there.” (pero mukhang kay Kiko Estrada tinutukso si Miles sa Bulaga!)
Medyo nakarma lang ako dahil nasa audience sina Sir Joey De Leon, Tito Sen Sotto at Allan K at inispluk ni Sir Joey ang sarili kong love life, bilang matagal kaming nagkasama noon sa Wow Mali. (nateteme ata akey!)
Nakakaaliw din makasama ang SQ na may ganda na, may boses pa. (nakakatomboy sila!) Alam naman nating marami nang napasikat na mga grupo at solo artists ang show. Ang swerte ng mga girls na ito na mabigyan ng pagkakataon na ipakita ang talent nila. (baka pwede rin akong maging SQ!)
Hindi ko man na-perfect ang laro ay may naiuwi naman akong premyo at nai-share ko pa sa lucky home partner. (pero kung ayaw nya, akin na lang!)
At home talaga ako ‘pag nasa EB. (feeling Dabarkads ang acla!) Forever thankful lang ako sa show kasi ito ang isa sa unang nagbigay sa’kin ng regular hosting gig sa telebisyon nung nagsisimula palang ako bilang FM Radio Jock. Love ko sila! (dito lang ako ‘pag need nyo kagandahan ko!)
(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.
FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )