Bill Velasco, nangangailangan ng tulong

Kimberly Vedad – Pilipino Star Ngayon April 11, 2024 | 12:00am Marc Logan at Bill Velasco Nangangailangan pala ng financial na tulong ang dating sikat na sportscaster na si Bill Velasco. Walang binanggit na sakit si Marc Logan na nag-post ng apela, pero nasa hospital si Bill, sa picture nila na magkasama. Ayon sa post […]

Bill Velasco, nangangailangan ng tulong

Bill Velasco, nangangailangan ng tulong thumbnail

Kimberly Vedad – Pilipino Star Ngayon

April 11, 2024 | 12:00am

Marc Logan at Bill Velasco

Nangangailangan pala ng financial na tulong ang dating sikat na sportscaster na si Bill Velasco.

Walang binanggit na sakit si Marc Logan na nag-post ng apela, pero nasa hospital si Bill, sa picture nila na magkasama.

Ayon sa post ni Marc : “Bagamat nasa isang tahanan lang kami dati, sa loob ng mahabang panahon hindi kami close ni Bill Velasco. Bakit? Kasi andun sya sa Sports ako naman ay nasa News Gathering desk. Pero nitong nakalipas na ilang buwan nagkasama kami sa isang bagong tahanan. At doon nakita ko ang maraming similarities ng pagiging mabuting ama ni Ginoong Velasco. Mabuting Kaibigan. Ngayon wag sana nating pabayaan na mapahamak ang isang bagong kaibigan. Bagamat nakakangiting pogi na ang aking kaibigan, may mga proseso pa pong kinakailangan para tuluyan na siyang gumaling sa awa ng ating Panginoon. Tulungan po natin ang isang Icon ng Sports reporting and anchoring Mr. Bill Velasco.”

Nawa’y gumaling agad siya.

Globe Rewards points, may katapat na insurance

Nakipag-partner ang Globe sa Singlife upang gawing halos libre ang proteksyon para sa mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng insurance plan para sa 5 Globe Rewards points.

Maaaring makuha ng mga customer ng Globe ang komprehensibong 3-in-1 Protection Plan ng Singlife sa pamamagitan ng pag-redeem lamang ng 5 Globe Rewards points hanggang Abril 15, 2024.

Saklaw ng 3-in-1 plan ang may-ari ng policy kasama ang kanilang malapit na pamilya na may mga benepisyo tulad ng mga allowance sa cash sa ospital, mga pagbabayad sa kapansanan, mga reimbursement sa medisina, at higit pa. Ang saklaw na ito ay higit pa sa PhilHealth ng isang policyholder at kasalukuyang saklaw ng HMO.

“At Globe, we are committed to using our digital capabilities to create wonderful experiences that uplift the lives of Filipinos,” said Jerome Patalud, Head of Globe Rewards. “By allowing customers to redeem this health insurance using their Rewards points, we’re removing major barriers to healthcare protection for entire households.”

“We recognize the difficulty of preparing for life’s uncertainties and are committed to alleviating these challenges,” said Sherie Ng, co-founder and Executive Director of Singlife Philippines.