Patrick Garcia aminadong binasted ni Anne Curtis noong 1999

James Relativo – Philstar.com April 4, 2024 | 3:55pm Litrato nina Anne Curtis (kaliwa) at Patrick Garcia (kanan) Instagram/Anne Curtis; Video grab mula sa Youtube channel ng GMA Network MANILA, Philippines — Matapos ang 25 taon, inamin ng aktor na si Patrick Garcia ang ginawang pambabasted sa kanya ng aktres na si Anne Curtis noon […]

Patrick Garcia aminadong binasted ni Anne Curtis noong 1999

Patrick Garcia aminadong binasted ni Anne Curtis noong 1999 thumbnail

James Relativo – Philstar.com

April 4, 2024 | 3:55pm

Litrato nina Anne Curtis (kaliwa) at Patrick Garcia (kanan)

Instagram/Anne Curtis; Video grab mula sa Youtube channel ng GMA Network

MANILA, Philippines — Matapos ang 25 taon, inamin ng aktor na si Patrick Garcia ang ginawang pambabasted sa kanya ng aktres na si Anne Curtis noon pang Dekada ’90.

Ito ang inilahad ng showbiz personality sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkules matapos matanong kung sino ang unang tumanggi sa kanyang panliligaw.

“Si Anne Curtis,” natatawang sagot ni Patrick nang matanong kung sino ang unang nambasted sa kanya.

“Matagal na ito, mga 1999 pa ito… Ngayon ko lang sinabi ito, sorry guys.”

Napahagingan din ni Patrick ang tsismis na siya’y bakla, bagay na kanyang itinanggi ngunit hindi naman dinamdam. Tinawag din niya itong “most ridiculour rumor” tungkol sa kanya.

“Somebody wrote about it lang. Parang, ‘Huh? Ako?'” tugon ni Patrick kay Tito Boy kaugnay ng kumalat noong ugong-ugong.

“Parang ganoon lang then… nawala.”

Parehong pinasok nina Patrick at Anne ang mundo ng showbiz noong 1990s. Ang aktor ay bahagi noon ng ABS-CBN habang ang aktres ay nasa GMA Network.

Pareho nang pamilyado’t may anak na ang dalawa sa ngayon. Kasal si Anne kay Erwan Heussaff habang kasal naman si Patrik kay Nikka Martinez.