Yael Yuzon, sorpresang inaya si Karylle na muli silang magpakasal

Sa ika-10 taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, muling inalok ng kasal ni Yael Yuzon ang kaniyang kabiyak na si Karylle sa “It’s Showtime.” Sa episode ng nasabing noontime show nitong Lunes, sorpresang naging bisita si Yael para batiin ang kaniyang kabiyak na si Karylle matapos ang matagumpay nitong musical play na “Rama Hari,” kung […]

Yael Yuzon, sorpresang inaya si Karylle na muli silang magpakasal

Yael Yuzon, sorpresang inaya si Karylle na muli silang magpakasal thumbnail

Sa ika-10 taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, muling inalok ng kasal ni Yael Yuzon ang kaniyang kabiyak na si Karylle sa “It’s Showtime.”

Sa episode ng nasabing noontime show nitong Lunes, sorpresang naging bisita si Yael para batiin ang kaniyang kabiyak na si Karylle matapos ang matagumpay nitong musical play na “Rama Hari,” kung saan gumanap siya bilang si Sita.

Dito tinanong ng “It’s Showtime” co-host na si Vhong Navarro si Yael tungkol sa pagsasama nila ni Karylle.

“‘Di ba 10 years na kayo?,” sabi ni Vhong.

Sagot naman ng lead vocalist ng bandang Spongecola: “Magte-ten years na kaming kasal. And alam mo, ‘yung thing with being kasal na kayo ng 10 years parang mas na-aanalyze mo ‘yung things through the ups and downs. Mostly ups pero sa downs mo mas ma-aanalyze ‘yung things at kung sigurado ka back then, mas madaling maging sigurado now kasi may 10 years na tayo together.”

“Pero may hindi ako nagawa before, so I’m gonna do it now,” dagdag pa ni Yael na sinundan ng pagluhod niya sa harap ni Karylle at naglabas ng singsing.

“Will you marry me again?,” tanong niya sa kaniyang asawa.

Natatawa namang sumagot ang nabiglang si Karylle ng: “yes!”

Matapos na mag-kiss ang dalawa, inawit ng mag-asawa ang “Kay Tagal Kitang Hinintay,” ng Spongecola.

Marso 2014 nang ikasal sina Karylle at Yael matapos ang mahigit tatlong taon ng pagiging magkasintahan.

Kabilang si Karylle sa mga co-hosts ng “It’s Showtime,” na napapanood din sa GTV channel ng GMA Network. —FRJ, GMA Integrated News