NCAA Women’s Volleyball arangkada sa GTV!

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon April 7, 2024 | 12:00am Panibagong aksyon ang matutunghayan sa NCAA sa pag-uumpisa ng NCAA Season 99 Women’s Volleyball Tournament this Sunday, April 7! Live ito sa FilOil EcoOil Center, San Juan City at may simulcast sa GTV. Sa opening day, ‘wag palampasin ang laban sa […]

NCAA Women’s Volleyball arangkada sa GTV!

NCAA Women’s Volleyball arangkada sa GTV! thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

April 7, 2024 | 12:00am

Panibagong aksyon ang matutunghayan sa NCAA sa pag-uumpisa ng NCAA Season 99 Women’s Volleyball Tournament this Sunday, April 7!

Live ito sa FilOil EcoOil Center, San Juan City at may simulcast sa GTV.

Sa opening day, ‘wag palampasin ang laban sa pagitan ng defending champion Benilde Lady Blazers at EAC Lady Generals, 12 p.m. Masusundan ito ng sagupaan ng JRU Lady Bombers at Perpetual Lady Altas, 2:30 p.m.

Siguradong excited na ang lahat na malaman sino sa 10 maglalaban-labang koponan ang mag-uuwi ng korona ngayong season.

Maaaring tutukan sa GTV tuwing Martes, Miyerkules, Biyernes ng 2:30 p.m.; Sabado ng 9:30 a.m. at 2:30 p.m., at Linggo ng 12 nn. May delayed telecast din tuwing Lunes at Huwebes ng 2:30 p.m.

Ryan Bang, madatung na

Nakakatakam na K-Food ang handog ni Karen Davila ngayong Sabado (Abril 6) sa My Puhunan sa kuwentuhang mukbang kasama si Ryan Bang sa kanyang Korean fine dining restaurant, kung saan ikinuwento niya kung bakit nga ba niya naisipang pasukin ang larangan ng negosyo.

Sa episode, inalala ni Ryan ang kanyang buhay sa South Korea at ang dahilan kung bakit siya lumipat sa Pilipinas. Bukod dito, ibinahagi rin ni Ryan kay Karen ang iba pa niyang negosyo na kanyang pinagkakaabalahan bukod sa matagumpay niyang showbiz career.

Sa totoo lang, super big time na si Ryan ngayon.

May management agency na rin siya.

Sino kaya sa kanila ang mas madatung ni Sandara Park?