Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski, nakikialam ba sa buhay ng kanilang mga anak?
Abril 17, 2024 1:03am GMT+08:00 Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, tinanong ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski kung nakikialam ba sila sa buhay ng kanilang mga anak na pawang mga lalaki? Tanong ni Mikee sa kaniyang asawa, “Pakialamero ba ang tawag duon?” “Involved,” dugtong niya na tamang tawag. “I […]
Abril 17, 2024 1:03am GMT+08:00
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, tinanong ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski kung nakikialam ba sila sa buhay ng kanilang mga anak na pawang mga lalaki?
Tanong ni Mikee sa kaniyang asawa, “Pakialamero ba ang tawag duon?”
“Involved,” dugtong niya na tamang tawag.
“I think we’re supportive in a way,” sambit naman ni Dodot na vice mayor ngayon ng Pasig.
Sinabi ni Mikee, na maganda sa kanilang pamilya na mayroon silang komunikasyon.
“Kasi napag-uusapan namin, maintindihan nila, ine-explain namin sa kanila ‘yung halaga ng pagpili nang tama. ‘Yung halaga ng… ’yung makakasundo ng other members of the family,” paliwanag niya.
Nang tanungin kung sinasabihan nila ang kanilang mga anak na dalhin sa kanilang bahay ang kanilang mga girlfriend para makilala nila, sinabi ni Mikee, na ginagawa nila noon na mas bata pa ang mga ito.
“Maybe when they were younger, we used to say that,” sabi ni Mikee. “Kasi para sa amin, lahat ng mga kaibigan nila, barkada nila, pumupunta talaga sa bahay, and I think nakita nila [na] maganda ‘yung mga result no’n kasi we know them when they talk about them, naiintindihan namin.”
Dagdag pa niya, “There’s a closeness that also happens with our kids when we know their friends. Siyempre alam nila na kapag importante ‘yung tao sa kanila, they will introduce them to us.”
Sinabi naman ni Dodot na ibinabahagi nila sa mga anak na sina Robbie, Rafael, at Renzo, ang kanilang pananaw.
“We brought them up in such a way that when they do introduce these potential friends or girlfriends to us, they also observe the interaction and they pick up from there. And so far, I think we’re both happy that our kids are seeing these nice girls,” ayon kay Dodot.
Lagi rin umano silang nagpapaalala sa kanilang mga anak.
“Basta ang bilin ko lang sa kanila, while you’re young, you have to remember that you’re in a relationship because you want to be happy. And you’re supposed to support each other and not hold each other down,” ani Dodot.
Patuloy pa niya, “And if you can make the relationship flourish based on the principles of mutual respect and providing greater opportunities for each other, reaching your full potential, then OK. Why not?”
In a relationship si Rafael sa Sparkle star na si Caitlyn Stave, na isa ring equestrian gaya ni Mikee.
“We get along. We enjoy her company,” sabi ni Mikee patungkol kay Caitlyn.— FRJ, GMA Integrated News