Michael V., nilinaw na hindi pa magtatapos ang ‘Pepito Manaloto’

Nilinaw ni Michael V. na hindi pa magwawakas ang ”Pepito Manaloto,” matapos mag-agam-agam ang ilang netizens dahil sa heartwarming post ng comedy genius kung saan nag-group hug ang cast. “Diretsahang sagot. Hindi,” sabi ni Michael sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ”24 Oras Weekend” nitong Sabado. “‘Yung photo naman na ‘yon na lumabas, […]

Michael V., nilinaw na hindi pa magtatapos ang ‘Pepito Manaloto’

Michael V., nilinaw na hindi pa magtatapos ang 'Pepito Manaloto' thumbnail

Nilinaw ni Michael V. na hindi pa magwawakas ang ”Pepito Manaloto,” matapos mag-agam-agam ang ilang netizens dahil sa heartwarming post ng comedy genius kung saan nag-group hug ang cast.

“Diretsahang sagot. Hindi,” sabi ni Michael sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ”24 Oras Weekend” nitong Sabado.

“‘Yung photo naman na ‘yon na lumabas, ‘yung group hug na ‘yon… Actually ‘yung photo na ‘yun is ang nire-represent nu’n is ‘yung group hug namin, parang remembrance, appreciation,” paliwanag ni Michael.

Nangangahulugan itong tuloy-tuloy ang pagpapasaya sa mga manonood ng 14-anyos nang Kapuso sitcom.

“Natutuwa lang kami na after all these years na, after ng pandemic magkakasama pa rin kami,” dagdag ni Bitoy.

Hindi naman mapigilang maging emosyonal ni Manilyn Reynes, gumaganap bilang si Elsa, asawa ni Pepito.

“Naiiyak kami kasi hindi po namin naisip namin na hanggang ngayon, sa tinagal-tagal ng Pepito, 14 years na kami, talagang nandiyan sila, simula’t simula. Nakakataba ng puso,” ani Manilyn.

“Pepito Manaloto is more than just a fictional family on TV,” saad ni Bitoy sa kaniyang post.

“It’s a real family that extends to its cast, writers, staff, crew, the network and most of all, our beloved audience,” saad ni Michael sa post. “Maraming, maraming salamat po sa oras at pagmamahal ninyong lahat.”

Ayon kay Bitoy, may inihanda ang Pepito Manaloto na summer special na kanilang kinunan sa Nueva Ecija. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News