Max Collins, Pancho Magno, pinag-uusapan na ang mag-file ng divorce
Inihayag ni Max Collins na pinag-uusapan na nila ni Pancho Magno ang paghahain ng diborsiyo. Sinabi rin ng aktres na maingat na siya sa pagpasok sa bagong relasyon at hindi na siya naniniwala sa kasal. Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi ni Max na maaaring siyang […]
Inihayag ni Max Collins na pinag-uusapan na nila ni Pancho Magno ang paghahain ng diborsiyo. Sinabi rin ng aktres na maingat na siya sa pagpasok sa bagong relasyon at hindi na siya naniniwala sa kasal.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi ni Max na maaaring siyang mag-file ng divorce dahil American citizen siya.
Matapos ang anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, kinumpirma ni Max noong nakaraang taon na hiwalay na sila ni Pancho.
Paglilinaw din ng Kapuso actress, maayos ang co-parenting arrangement nila ni Pancho para sa kanilang anak na si Skye.
“Because I’m an American citizen, I’ll divorce,” ani Max. “It’s not active as of now. But soon; we already talked about it, that’s something we’re working on.”
Idinagdag niya na maganda pa rin ang relasyon nila ng kaniyang dating mister.
“We’re good, we’re great. It really works for us, very healthy, and we’re both happy and our son is very happy, so really it worked out for the best,” sabi ng aktres.
Inihayag din ni Max na bukas siyang makipag-date muli pero maingat siya sa pagpasok sa bagong relasyon. Hindi na rin siya naniniwala sa kasal.
“Ako, I don’t believe in marriage. No, I’m sorry, I don’t. I mean, I don’t personally. I believe in marriage for everyone else. I think for me, I feel like hindi ‘yun ‘yung basehan of what love means to be married, no. You can still love each other and be together without being married,” paliwanag niya.
“It’s really a commitment, so even if you are marrying each other, that doesn’t mean you’ll be together forever,” dagdag niya. —FRJ, GMA Integrated News