Look-alike ni Papa P, tuloy ang pagti-trending!

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon April 8, 2024 | 12:00am Michelle Dee at Oliver Moeller STAR/ File Cute ang look-alike ni Piolo Pascual from Cebu na si Oliver Moeller na German descent at napili ni Michelle Dee (as searchee) sa It’s Showtime last Saturday, para sa EXpecially for You segment. Tatlong […]

Look-alike ni Papa P, tuloy ang pagti-trending!

Look-alike ni Papa P, tuloy ang pagti-trending! thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

April 8, 2024 | 12:00am

Michelle Dee at Oliver Moeller

STAR/ File

Cute ang look-alike ni Piolo Pascual from Cebu na si Oliver Moeller na German descent at napili ni Michelle Dee (as searchee) sa It’s Showtime last Saturday, para sa EXpecially for You segment.

Tatlong handsome and professional guys ang pinagpilian (based on their answers) ni Michelle kasama ang ina niyang si Melanie Marquez.

Mula sa three candidates, ang lawyer na si Oliver ang pinili ng beauty queen na kanyang makaka-date na choice rin ng kanyang ina at maging ng studio audience.

Kaya naman trending ito sa Twitter at maraming hopia na baka naman ito na ang kailangan ni Michelle para maging isang tunay siyang babae.

Hanggang kahapon ay kalat na ang video ni Oliver na nagwo-workout at sa totoo lang parang mas malakas pa ang dating nito kesa ibang mga actor natin.

In all fairness isa ito sa mga segment ng It’s Showtime na super tren­ding sa pag-uumpisa ng It’s Showtime sa GMA 7.