Lee O’ Brian, deported na!
JUST ASKING – L. Guerrero – Pilipino Star Ngayon April 12, 2024 | 12:00am Deported na ang ex-husband ni Pokwang na si Lee O’Brian. Sana maayos na ang buhay ng mag-ina nitong sina Pokwang at Malia. May naiwan pang tanong: paano na ang sustento ng bata? Paano ang social media account ni Malia, naibalik na […]
JUST ASKING – L. Guerrero – Pilipino Star Ngayon
April 12, 2024 | 12:00am
Deported na ang ex-husband ni Pokwang na si Lee O’Brian.
Sana maayos na ang buhay ng mag-ina nitong sina Pokwang at Malia.
May naiwan pang tanong: paano na ang sustento ng bata? Paano ang social media account ni Malia, naibalik na ba sa kanya?
Ano na ang nangyari sa napabalitang other woman?
Sana nga ok na ang lahat.
Journey… nina Paolo, Patrick at Kaye, makasingit kaya sa Gomburza?
Kaabang-abang ang premiere ng A Journey ngayon sa Netflix starring Patrick Garcia, Paolo Contis and Kaye Abad!
Dahil may sari-sariling pamilya at pinagkakaabalahan, kailan kaya natin sila makikita sa teleserye ulit?
Ibang-iba na ang estado ng kanilang buhay ngayon, paano kaya ito nakatulong sa kanilang pagiging aktor?
Sa tingin n’yo makakasingit sa pagka-Number 1 sa Netflix ang A Journey sa kasalukuyang nangungunang GomBurZa at Becky & Badette?
Malamang naman kasi premiere ito sa Netflix hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide!
Donbelle, napatunayan ang lakas
Nakakatuwa rin at invested ang mga tao sa nalalapit na pagtatapos ng Can’t Buy Me Love at marami ang nagtatanong – sino ba talaga ang pumatay kay Divine?
With this teleserye, made na ang DonBelle loveteam at malakas din ang pair nina Maris Racal at Anthony Jennings!
I suppose mas mataas ang viewership ng Rayver Cruz-Jasmine Curtis (and even the Marian Rivera-Gabby Concepcion soap), but sana magkaroon din sila ng maraming endorsements like Donny Pangilinan and Belle Mariano now.
Paano kaya?
Christian, walang career ang mga alaga?!
May bago nang talent management si Christian Bautista kasama ng kanyang wife na si Kat Bautista. Marami dyan sa mga hina-handle nila ay mga social media talents at indie artists na wala pang representation.
Ano na nga ba ang nangyari sa pagha-handle nila sa career ni Morissette na umalis sa Stages stable at pagkatapos ay umalis din kina Christian?
Kumusta naman ang Stages sa ganitong arrangement sa grupo ni Christian?
Where does one’s responsibility end and the other one begins?
Aside from Christian, sino pa kaya ang named artist na magpapa-manage sa kanya?
Nakakata-quote:
“Buti pa ‘yung mga may utang sa akin nasa beach, ako nasa bahay lang naniningil.” – Eric Fructuoso