Korean movie na kumita ng mahigit P1.5 billion, streaming na sa Viu Philippines!
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon February 27, 2024 | 12:00am Wow napapanood na pala sa bansa ang Korean disaster thriller movie na Concrete Utopia – sa streaming paltform na Viu Philippines. Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahigit $28 million (1,570,135,028.00), ang tinaguriang pang-apat na highest-grossing film sa South Korea noong […]
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
February 27, 2024 | 12:00am
Wow napapanood na pala sa bansa ang Korean disaster thriller movie na Concrete Utopia – sa streaming paltform na Viu Philippines.
Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahigit $28 million (1,570,135,028.00), ang tinaguriang pang-apat na highest-grossing film sa South Korea noong 2023.
Ikinukuwento rito ang paghihirap ng mga taga-Seoul matapos ang napakalakas na lindol. Lahat ng mga gusali ay gumuho maliban sa Hwang Gung Apartments kung saan kabilang sa mga residente ang mag-asawang Min-sung (ginagampanan ni Park Seo-joon) at Myung-hwa (karakter ni Park Boo-young), at ang misteryosong si Yeong-tak (papel ni Lee Byung-Hun).
Nang dagsain ng mga tagalabas ang Huwang Gung Apartments upang humingi ng saklolo, kakailanganin ng mga nakatira rito na mamili: ang tulungan ang kapwa o ang iligtas ang kanilang sarili.
At mula pala nang ipalabas sa mga sinehan sa South Korea, umani nang tagumpay ang Concrete Utopia dahil sa suspense, drama at galing ng cast. Pinuri rin ito sa international filmfests gaya ng Toronto International Film Festival, Sitges International Film Festival, Hawaii International Film Festival, International Film Festival of India, at Kolkata International Film Festival.
Sa South Korea, nagkamit ito ng mga award, kabilang ang Best Film, Best Visual Effects, Best Art Director, Best Sound Editing at Best Actor para kay Lee Byung-hun at Best Support Supporting Actress para kay Kim Sun-young.
Higit pa rito, nagkaisa ang Korean Film Council na ipadala ang Concrete Utopia bilang official entry ng kanilang bansa sa Best International Feature Film category ng 2024 Oscars.
Ang Concrete Utopia ay streaming na sa Viu Premium, ang subscription-based streaming app ng Viu.
Ang pelikula ay mayroon ding Tagalog-dubbed version na mapapanood sa Viu Premium.