Dasuri Choi, naging third party nga ba kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara?

Nagsalita na ang ng South Korean dancer at TV host na may pusong Pinoy na si Dasuri Choi kaugnay mga hinala ng ilang netizens na third party siya sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa kaniyang Youtube vlog, inamin ni Dasuri, host sa noontime show na “Tahanang Pinakamasaya,” na nasasaktan siya sa mga […]

Dasuri Choi, naging third party nga ba kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara?

Dasuri Choi, naging third party nga ba kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara? thumbnail

Nagsalita na ang ng South Korean dancer at TV host na may pusong Pinoy na si Dasuri Choi kaugnay mga hinala ng ilang netizens na third party siya sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Sa kaniyang Youtube vlog, inamin ni Dasuri, host sa noontime show na “Tahanang Pinakamasaya,” na nasasaktan siya sa mga negatibong komento sa kaniya ng ilang netizens.

“Ang pinakaayoko na marinig or ayoko na makitang comment is, ‘Uwi ka sa Korea,’ because it’s really painful,” paglalahad niya, sabay sabi na ginagawa niya ang lahat para matutunan ang Pinoy culture.

“Because when my life was really deep down, I went here and Filipinos you guys help me to grow and you guys really help me to be happy. I didn’t know Filipino culture or language, [but] I tried my best to learn,” patuloy niya.

Nilinaw din ni Dasuri ang lumabas na larawan na kasama niya sa restaurant si Mavy, at kakambal nito na si Cassy Legaspi at si Michael Sager. May netizens na nagsabing “double date” umano ang naturang lakad nila.

Pero ayon kay Dasuri, kasama pa nila sa naturang lakad ang iba pa nilang co-host sa Tahanang Pinakamasaya, kabilang na sina Paolo Contis at Wynwin Marquez.

“I’m officially saying, I’m not the third party. I will never try to be a third party in my life. Because I didn’t grow up like that,” pahayag ni Dasuri.

“I was raised by my parents na super super super bait. Wala talagang mangyayari sa akin na maging third party,” dagdag pa niya.

Bagaman hindi niya maiiwasan ang mga pambabatikos, sinabi ni Dasuri na nais lang niyang ipakita na nasasaktan din siya gaya ng iba.– FRJ, GMA Integrated News