Kathryn, ibabandera ang husay ngayong Women’s Month
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon March 4, 2024 | 12:00am Muling ipapamalas ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Women’s Month. Saksihan ang Kapamilya actress bilang isang aspiring photographer na si Jackie sa Crazy Beautiful You (Mar. 3), mapagmahal […]
SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
March 4, 2024 | 12:00am
Muling ipapamalas ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Women’s Month.
Saksihan ang Kapamilya actress bilang isang aspiring photographer na si Jackie sa Crazy Beautiful You (Mar. 3), mapagmahal na anak na si Tin sa Three Words to Forever (Mar. 10), bride-to-be na si Gab sa Can’t Help Falling In Love (Mar. 17), OFW domestic helper na si Joy sa Hello, Love, Goodbye (Mar. 24), at masipag na breadwinner na si George sa The Hows of Us (Mar. 31) na mapapanood sa Blockbuster Sundays block, 7 p.m.
Patuloy na magbibigay-pugay ang Cinema One sa ilang tinitingalang aktres sa industriya ng pelikula ngayong Women’s Month.
Abangan ang Milan ni Claudine Barretto (Mar. 4), Kasal, Kasali, Kasalo ni Judy Ann Santos (Mar. 11), A Second Chance ni Bea Alonzo (Mar. 18) at Love Me Again ni Angel Locsin (Mar. 25) na mapapanood sa Monday Drama tuwing 9 p.m.
Samantala, tuluy-tuloy rin ang saya at katatawanan kasama si Unkabogable Star Vice Ganda dala ang iba’t ibang pelikulang minahal ng mga manonood ngayong Marso.
Huwag palampasin si Vice sa This Guy’s in Love with U Mare kasama sina Toni Gonzaga at Luis Manzano (Mar. 18), The Unkabogable Praybeyt Benjamin kasama si Derek Ramsay (Mar. 19), Fantastica kasama sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez (Mar. 20), Sisterakas kasama si Kris Aquino (Mar. 21), at Beauty and the Bestie kasama si Coco Martin (Mar. 22) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m.
Damhin ang iba’t ibang nakakaantig na pelikula na tampok sa Holy Week Special ng Cinema One na mapapanood mula Marso 28 hanggang 31. Tunghayan ang Madrasta ni Sharon Cuneta, Tanging Yaman ni Gloria Romero, Seven Sundays ni Ronaldo Valdez, Anak nina Vilma Santos at Claudine Barretto, at iba pang drama films.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.
Kris, hindi natuloy ang pagpasok sa hospital
Hindi pa pala nakakapasok ng hospital si Kris Aquino.
Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste na bumalik muna ng Pilipinas.
“Pina-reschedule ni madame kasi hinihintay namin ang blood test results niya plus may COVID-alert sa hospital. That’s why umuwi muna ako. I just arrived from LA last night,” update ng pulitikong karelasyon ni Kris sa kasalukuyan.
At ang ka-lunch agad niya kahapon, ang anak ni Kris na si Joshua kasama pa ang mommy niya at mga anak na sina Lian Vice Mayor Ronin Leviste, Batangas City Councilor Andrea Macaraig na kasama ang assistants and security ni Joshua.
Kita naman sa mga picture niya ang happiness ni Joshua nang mag-arcade sila.
Father figure na nga si VG Mark kay Joshua.
Pero asan nga ba ang totoong ama ni Joshua na si Phillip Salvador na maingay na pinag-uusapang kakandidato sa midterm elections?