Jessy Mendiola, handa na kayang magkaroon ng 2nd baby nila ni Luis Manzano?

Abril 5, 2024 7:09pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Muling ikinasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa isang intimate wedding sa Palawan noong Pebrero. Handa na kaya sila sa pangalawang baby? “I think malapit na,” natatawang sabi ni Jessy sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes. “Gusto ko talaga ng maraming […]

Jessy Mendiola, handa na kayang magkaroon ng 2nd baby nila ni Luis Manzano?

Jessy Mendiola, handa na kayang magkaroon ng 2nd baby nila ni Luis Manzano? thumbnail

Abril 5, 2024 7:09pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Muling ikinasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa isang intimate wedding sa Palawan noong Pebrero. Handa na kaya sila sa pangalawang baby?

“I think malapit na,” natatawang sabi ni Jessy sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes. “Gusto ko talaga ng maraming anak Tito Boy, kung kaya ko lang talaga nang sabay-sabay.”

Ayon kay Jessy, binibiro na siya ni Luis kung minsan tungkol sa pagkakaroon pa ng anak.

“Kapag nakikita niyang naglalakad na si Peanut, palagi niyang sinasabi, ‘You want to be an ate anak?’ Sasabihin niya sa akin, ‘Ano Love, puwede na ba?'” kuwento niya.

“So parang ako, ‘Oo naman.’ Siyempre I mean, kung ibigay ni Lord bakit naman hindi?” dagdag ni Jessy.

May plano na rin silang pangalan para sa kanilang second baby, na sasamahan nila ng salitang “Ocean.”

“Meron na kaming name, actually kahit pa girl or boy, Ocean. Mahilig talaga kami sa dagat, sa tubig, we are beach lovers. So talagang sabi ko, puwede sa girl or sa boy, Ocean. Ocean Tawili Manzano.”

Inilahad ni Jessy ang kaniyang dasal para sa pamilya.

“Ngayon na meron na akong anak, palagi kong ipinagdadasal lang na sana masaya lang siya lagi, si Luis sana masaya lang siya lagi, sana ‘yung pamilya ko palaging safe, healthy lang kami,” ani Jessy.

“Talagang nagpapasalamat lang ako palagi kasi hindi kami pinababayaan ng Diyos, kahit ano man ang mangyari sa buhay namin, nandiyan pa rin talaga. Feeling ko sobrang blessed namin na wala na rin akong magagawa kundi magpasalamat kasi masaya talaga kami,” patuloy niya.

Unang ikinasal sina Luis at Jessy sa isang intimate civil ceremony noong 2021.

Isinilang ni Jessy si Rosie noong Enero 2023.– FRJ, GMA Integrated News