‘It’s Showtime’ eere na sa GMA Network simula April 6
James Relativo – Philstar.com March 20, 2024 | 5:31pm Litrato ng cast ng “It’s Showtime” Litrato mula sa ABS-CBN MANILA, Philippines — Opisyal nang ieere sa Kapuso network ang noontime show na “It’s Showtime,” bagay na ilang taong naging karibal ng “Eat Bulaga!” noon sa GMA-7. Miyerkules nang maging numero unong trending sa X (dating […]
James Relativo – Philstar.com
March 20, 2024 | 5:31pm
Litrato ng cast ng “It’s Showtime”
Litrato mula sa ABS-CBN
MANILA, Philippines — Opisyal nang ieere sa Kapuso network ang noontime show na “It’s Showtime,” bagay na ilang taong naging karibal ng “Eat Bulaga!” noon sa GMA-7.
Miyerkules nang maging numero unong trending sa X (dating Twitter) ang #ShowtimeSaGMA matapos ianunsyo ang napipintong surpresa sa mga “madlang people.”
“It is official: ‘It’s Showtime’ officially joins GMA!” wika ng TV host na si Robi Domingo matapos magkapirmahan ang ABS-CBN at GMA-7 officials.
Sa isang joint press release, sinabing ipapalabas ang noontime variety show sa GMA mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali hanggang 2:30 p.m. simula ika-6 ng Abril (Sabado).
Ilan sa mga nanguna sa contract signing ceremony sa GMA Studios kanina ang mga executive ng GMA Network na sina chairperson Felipe Gozon, president at Chief Executive Officer (CEO) Gilberto Duavit Jr., atbp.
Dumalo naman ang mga taga-ABS-CBN na sina chairperson Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, atbp. Kasama rin sa event ang mga dati nang “It’s Showtime” hosts na sina:
- Vice Ganda
- Anne Curtis
- Vhong Navarro
- Jhong Hilario
- Kim Chiu
- Ogie Alcasid
- Karylle
- Amy Perez
- Teddy Corpuz
- Jugs Jugueta
- Darren
- Ryan Bang
- Ion Perez
- Jackie Gonzaga
- MC
- Lassy
- Ciannne Dominguez
“Ang unprecedented move na ito ay patunay sa layunin ng GMA at ABS-CBN na patuloy magbigay ng mga magagandang programa at maglingkod sa bawat Pilipino,” patuloy ng pahayag.
“Malugod na pagtanggap ang ipinaabot ng GMA Network sa ‘It’s Showtiime’ at itinuturing ito bilang welcome addition sa patuloy na dumaraming programa nito para sa Kapuso viewers sa loob at labas ng bansa.”
BASAHIN: Pahayag ng GMA Network at ABS-CBN tungkol sa “It’s Showtime” pic.twitter.com/fwBzgWjdf3
— ABS-CBN PR (@ABSCBNpr) March 20, 2024
Noontime shows at palitan ng network
Dating nasa Channel 2 ang “It’s Showtime” bago ito mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong Mayo 2020. Matapos nito, inere ang naturang palabas sa A2Z at TV5.
Lumipat naman ang “Eat Bulaga!” sa TV5 matapos umalis ang marami sa mga orihinal na cast nito dahil sa alitan sa TAPE Inc.
Ang “It’s Showtime” ang papalit sa “Tahanang Pinaakamasaya” sa GMA-7, bagay na dating humawak ng pangalang “Eat Bulaga!” noong hindi pa nananalo sa trademark case sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.