‘Hoarder ako’

Kaloka, ngayon ko na-realize kung gaano ka-boring ang mga araw ko sa totoo lang. Gigising ako, eat ng breakfast, manonood ng TV at kakain ulit tapos matutulog na. Hahahaha. Literal na kain-tulog lang ako araw-araw pag walang rampa. Talagang kundi pa sa pagsusulat ko, baka mas lalo pang naging boring ang buhay ko. May oras […]

‘Hoarder ako’

‘Hoarder ako’ thumbnail

Kaloka, ngayon ko na-realize kung gaano ka-boring ang mga araw ko sa totoo lang.

Gigising ako, eat ng breakfast, manonood ng TV at kakain ulit tapos matutulog na.

Hahahaha.

Literal na kain-tulog lang ako araw-araw pag walang rampa.

Talagang kundi pa sa pagsusulat ko, baka mas lalo pang naging boring ang buhay ko.

May oras na aayusin ko gamit ko para ipamigay o ipagbili ‘yung mga hindi na kailangan, pero first layer pa lang, pagod na ako.
Tapos pag na sort-out naman, bigla iisipin ko akin na lang uli dahil sayang.

Naku sure ako mahihilo sa kaayos ng mga gamit ko ang mga maiiwan ko dahil marami iko-consider lang nila basura.

Hoarder kasi ako na kahit give away itinatago, kaloka talaga.

Either sentimental ako, o sa past life ko basurera ako kaya ganito ang ugali ko.

Lately, everyday ay nauubos ang oras ko sa panonood ng TV.

Pag naupo na ako, wala nang magagawa pang iba.

Naku pag siguro nga ganito na edad mo, iba na ang kilos mo.

Meron pa akong pasaway na pakiramdam na pag matagal nakatayo nahihilo, kaya lagi akong nakaupo o nakahiga.

Naku, talagang sure ako na hindi ko maayos mga gamit ko na for three years noong pandemic hindi ko nga nagalaw dahil sa katamaran ko.
Naku kahit tulungan pa ako ni Salve at Gorgy sure ako wala din mangyayari dahil nga lazy Lolita ako.

Pero pasalamat na lang ako sa Diyos na ganito kumbaga ang aking problema. Happy problem.

Kumbaga nasa akin na ang lahat, problema ko na lang kung paano pa aayusin. Kaloka. Hahaha. ‘Yun lang at babu!