Herlene Budol, pumirma ng kontrata sa Sparkle

Pumirma na ng management contract sa Sparkle ang Kapuso beauty queen na si Herlene Budol. Hindi naiwasan ni Herlene na maging emosyonal sa press conference matapos ang pirmahan. “Maraming salamat po. Hindi po ako mangangako ng masaya’t pero pag-iigihan ko po sa lahat ng bagay sa pag-acting, sa pag-host. Gagawin ko po ‘yung best ko […]

Herlene Budol, pumirma ng kontrata sa Sparkle

Herlene Budol, pumirma ng kontrata sa Sparkle thumbnail

Pumirma na ng management contract sa Sparkle ang Kapuso beauty queen na si Herlene Budol.

Hindi naiwasan ni Herlene na maging emosyonal sa press conference matapos ang pirmahan.

“Maraming salamat po. Hindi po ako mangangako ng masaya’t pero pag-iigihan ko po sa lahat ng bagay sa pag-acting, sa pag-host. Gagawin ko po ‘yung best ko para hindi ko po kayo mapahiya. I love you so much po,” sabi ni Herlene.

Dumalo sa contract signing sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, at Sparkle Vice President Joy Marcelo.

Inihayag ni Marcelo ang kasiyahan para sa mga narating ni Herlene, at ngayon ay bahagi na rin ng Sparkle family.

“Nakita namin kung gaano ka kasipag at kung gaano mo kagusto ‘yung pagtulong mo sa pamilya mo. Tuloy-tuloy ka lang sa pagtrabaho kahit na ang daming nangyari in the past. I know nalampasan mo lahat ‘yon, and we you are here now. We are very proud of you,” ayon kay Marcelo.

Kasalukuyang napapanood si Herlene sa “Black Rider,” at bumida siya sa afternoon hit series na “Magandang Dilag.”

Bukod sa showbiz, nakagawa na rin ng pangalan si Herlene sa pageantry.

Itinanghal siyang Miss Philippines Tourism sa Miss Grand International pageant noong July,  at naging first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022. —FRJ, GMA Integrated News