Donny laging nakaalalay…pumatay sa nanay ni Belle, malapit nang madiskubre!
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon April 12, 2024 | 12:00am Donny, Belle at Direk Mae Emosyonal ang buong cast ng Can’t Buy Me Love kahapon sa finale presscon nito. Matibay ang nabuo nilang relasyon habang ginagawa ang series na massive ang tagumpay at lahat ay talagang atat malaman kung sino ba talaga […]
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon
April 12, 2024 | 12:00am
Donny, Belle at Direk Mae
Emosyonal ang buong cast ng Can’t Buy Me Love kahapon sa finale presscon nito.
Matibay ang nabuo nilang relasyon habang ginagawa ang series na massive ang tagumpay at lahat ay talagang atat malaman kung sino ba talaga ang pumatay sa ina ni Caroline Tiu (Belle Mariano) sa pagtatapos ng serye.
Na mas mabigat pa raw ang mapapanood habang papalapit ang finale.
Ilang beses umiyak si Belle kahapon dahil nga grabe ang naging investment niya kay Caroline na very powerful ang role.
Ganundin si Donny Pangilinan na napamahal na sa character ni Bingo na malayong-malayo sa totoong buhay.
Kaya naman sa nalalapit nitong pagtatapos, ang hinihintay ng lahat ay kung sino ba talaga ang pumatay sa mommy ni Belle na ginampanan ni Shaina Magdayao.
Kaya sobrang affected si Belle. “Talagang pinagdaraanan ko along with her. As in araw-araw kinukwestyon ko sa sarili ko ‘sino ba pumatay sa nanay ni Caroline.’ So ‘yun, so ang dami talaga and the story itself talagang while reading the script talagang nadadala ako,” kumpisal ng young actress.
At todo ang suporta ni Donny kay Belle, lalo na raw doon sa mabibigat na eksena.
“He’s always there lang. He’s gonna check up on me whenever I do a big scene kasi nakikita niya ‘yun sa sequence guide, kung gagawin ko ba, kunwari may breakdown scene ba akong gagawin, iiyak ba, may big scene bang gagawin si Caroline, makikita ko na lang magme-message siya sa akin, magte-text ‘o kumusta? How’s your scene? Are you still on call?’ Kunwari magkaiba kami ng lugar. So thank you (Donny). Thank you for checking up on me,” pagkukuwento pa ni Belle kung paano siya inalalayan ng actor na sa totoo lang ay parang meron naman talaga silang mutual understanding.
Hanggang talagang umiiyak na si Belle, pero pinipilit niya talagang ‘wag tumulo.
“Pinipigilan ko ‘yung luha ko, sabi ko ‘’wag kang tumulo, ‘wag kang tumulo.’ I’ve always had conversations with Direk about Caroline. I remember dito sa hallway na ‘to (Seda Hotel), we did the first scene kay Caroline na kinakapa namin ‘yung character ko kasi I’ve never done a character like this na stoic, grabe ‘yung power niya. Sabi ko ‘direk (Mae Cruz-Alviar), paano? Paano ko siya mamahalin?’
“Pero si Direk andun siya every step of the way with me to discover more about character, not just my character with myself. Like I would say, Caroline is really etched in my heart na, not just because of Caroline, but because of everyone here, so I’ll always be grateful that I’m part of this journey. You know, to always leave a mark and I think Caroline, siya ‘yung isang tao, character sa buhay ko na ‘di mawawala,” pagkukuwento pa ni Belle na talagang pinakita ang galing niya rito bilang si Caroline Tiu.
At nakaukit na aniya sa puso niya si Caroline.
Grabe ang epekto ng kuwento ng Can’t Buy Me Love na na-play up ang character ng mga Chinoy sa bansa.
Aside from DonBelle, massive rin ang naging tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings.
At ayon kay Maris, kahit ang boyfriend niyang si Rico Blanco ay kinikilig sa kanila.
Pero mas grabe ang iyak ni Nova Villa nang pag-usapan ang tungkol sa pagtatapos ng serye.
“Itong Can’t Buy Me Love para sa akin… mahirap nang kalimutan. Walong buwan na pagsasama at hindi biro ang relasyon. Maraming maraming salamat sa lahat ng suporta,” sabi ng veteran actress.