DigiPlus, may payo para maging responsableng gamer
Pilipino Star Ngayon February 24, 2024 | 12:00am Aktor ‘wag tularan… Pinaiigting ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang panawagan para sa responsableng paggamitsa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga customer na sumali sa kapana-panabik nitong mga offer. Bilang pinakamabilis na grupo […]
Pilipino Star Ngayon
February 24, 2024 | 12:00am
Aktor ‘wag tularan…
Pinaiigting ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang panawagan para sa responsableng paggamitsa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga customer na sumali sa kapana-panabik nitong mga offer. Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng DigiPlus ang walang humpay na saya at laro, subalit kung may kasamang pera, alam nitong kailangan ng lebel ng kontrol sa sarili upang makamit ang pinakapositibong karanasan sa paglalaro.
May ilang mga paraan para mapanatili ang malusog at positibong relasyon sa paglalaro. Narito ang ilang mga tip na hango sa mga payong bigay ng Responsible Gaming Council (RGC):
Magtakda ng limitasyon. Kung naglalaro, magtakda ng limitasyon sa dalawang bagay: budget at oras. Huwag itaya ang perang hindi mo kayang mawala sa iyo, at huwag ding mangutang para lamang sa paglalaro.
Maglaro lamang nang may malinaw na isip. Bantayan ang iyong mental at pisikal na estado bago magsimula sa paglalaro.
Limitahan din ang pag-inom ng alak kapag naglalaro. Panatilihing kalmado at malinaw ang isip sa lahat ng pagkakataon.
Nakatutulong din ang pagpapahinga.
Huwag ‘habulin’ ang iyong mga pagkatalo. Ang mga laro sa mga DigiPlus at sa BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGames apps ay nakataya sa tsansa, kaya walang garantiya na maibabalik ang iyong mga bayad.
Pak, ganun. ‘Wag maging adik tulad sa isang aktor na diumano’y nalulong sa sugal kaya hindi pa rin nakakabili ng sariling bahay.
Pero ngayon daw ay nagbago na ito marunong nang mag-ipon.
12-anyos, may kantang pang-alis sa mga alalahanin
Ipinakilala ng Kapamilya record label na StarPop ang kanilang bagong young artist na si Neeyong na naglunsad ng kanyang debut rap single na Agos Ng Tugtog.
Isinulat ng 12-anyos na si Neeyong at iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos ang kanta na tungkol sa pagpawi ng musika sa mga alalahanin sa buhay.
“Gusto ko na iparating sa mga tao na kaya nating makaraos sa kahit anong problema basta kasama natin ang musika, basta’t makinig lang tayo sa agos ng tugtog lahat ng nararamdaman natin ay mawawala,” ani Neeyong.
Patuloy Ni Neeyong o Jose Neo Ambert Nabus sa paghubog ng talento sa musika sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga awitin at pagtugtog ng gitara. “Natuklasan ko ang aking talento sa musika noong ako ay 10 years old. Nakikinig ako ng iba’t ibang musika at dahil doon sinusubukan kong magsulat ng mga kanta hanggang sa tumagal na ay natuto na ako mag-record,” saad niya.
Bago siya maging recording artist, ipinamalas niya ang talento sa pag-awit sa iba’t ibang school events at bilang guest performer sa iba’t ibang concerts. Ilan sa kanyang musical influences ay sina Gloc 9, Shanti Dope, Flow G, Hellmerry, Eminem, Tupac, Michael Jackson, at Snoop Dog.
Mapapakinggan ang debut single ni Neeyong na Agos Ng Tugtog simula ngayong Biyernes sa iba’t ibang music streaming platforms.