Award-winning actor, pinagsha-shopping ng karelasyon ng mga mamahaling painting

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon February 24, 2024 | 12:00am Mahilig pala sa paintings ang isang award-winning actor na papalit-palit ng girlfriend. Namataan kasi ang aktor ng aming source sa isang painting exhibit na madalas pinupuntahan ng mga sosyal na clients. Nakakabili naman si aktor ng paintings. But guess what? Hindi raw ang aktor […]

Award-winning actor, pinagsha-shopping ng karelasyon ng mga mamahaling painting

Award-winning actor, pinagsha-shopping ng karelasyon ng mga mamahaling painting thumbnail

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

February 24, 2024 | 12:00am

Mahilig pala sa paintings ang isang award-winning actor na papalit-palit ng girlfriend.

Namataan kasi ang aktor ng aming source sa isang painting exhibit na madalas pinupuntahan ng mga sosyal na clients.

Nakakabili naman si aktor ng paintings.

But guess what? Hindi raw ang aktor ang magbabayad ng napiling painting na mahal, huh!

At least, ibang level na ang knowledge sa art ng aktor, huh! Ano tawag sa mahilig sa painting, Presidentita, Salve A.?

‘Di ba , mahilig ka rin sa paintings? (Hahaha. Social climber po!? Hahaha. Art enthusiast/art-lover? Charrsss. – Salve)

Rewind, hinihintay na sa streaming

Palakpakan ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa buong mundo na hindi pa nakapanood ng movie nilang highest local grossing film of all time na Rewind.

Aba, simula ngayong March 25, streaming na sa Netflix ang nasabing pelikula kaya naman marami agad sa fans nila sa abroad ang naghihintay!

Sana mas tangkilikin ito ng fans at huwag tangkilikin ang pirated copy ng movie sa social media.

Who knows, umabot na sa P1B ang kita ng Rewind once streaming na ito sa Netflix, huh!