Diego Loyzaga sa kaniyang rehab journey: ‘It changed me as a person”
Binalikan ni Diego Loyzaga ang kaniyang karanasan nang sumailalim siya sa rehabilitation, ang kaniyang mga natutunan at paano siya nabago nito bilang tao.
“I will not be a hypocrite in front of you and in front of our audience. I did go to rehab, definitely,” sabi ni Diego sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Bago ang rehabilitation, sinabi ni Diego na nagkaroon siya noon ng pagsubok sa kaniyang sarili.
“I was very, very, depressed. I was in the brink of suicidal. I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don’t help eh, hindi siya nakakatulong,” saad ng aktor.
“If you’re already a person with a problem, meron kang pinagdadaanan and there’s other substances, other factors that are pulling you down, it’s a hard bit to crawl out of,” pagpapatuloy niya.
Dahil dito, nagdesisyon siyang humingi na ng propesyunal na tulong at sumailalim sa rehab.
Hindi naman itinanggi ni Diego na nagkakaroon pa rin siya ng mga relapse.
“In saying this hindi ko sinasabi na I’m sober. Because once you have a sip of alcohol, it is counted as relapse,” saad niya.
“But every single day I still talk to my counselors, every single day I’m still in touch with my kuyas and ates from rehabilitation, and they are still monitoring me. All the time I’m still very open with them,” pagpapatuloy ni Diego.
Hindi rin niya itinangging naging pagsubok din sa kaniya ang pagpasok doon upang malagpasan niya ang mga pagsubok sa kaniyang sarili.
“Like I said hindi ako iyakin na tao. Pero ngayon kung babalikan ko ‘yung isang araw ko roon sa loob ng rehab, mangingiyak talaga ako. It was so difficult,” saad niya.
“I go back to that pain. It was eight months until I saw the moon, the sun,” dagdag ni Diego. “I’m not shunning my rehabilitation, I owe them my life. Pero you’re kind of trapped inside, hindi ka makakalabas until you get to meet your family again. That was the saddest thing.”
Ngunit matapos ang rehabilitation, isa sa mga napagtanto ni Diego ang pagpapahalaga sa mga kung ano ang meron siya.
“It will make you realize kasi, there’s a purpose eh. They take away everything from you, so you appreciate all the things that are given back when you get to go out.”
“That broke me. And when I explain it to my dad, ‘yung ginawa ko sa loob, ‘yung mga pinagagawa sa akin, I learned from each and every single thing that we had to do inside. It changed me as a person, it changed me as an actor. It made me deeper as a person, probably. Pero again, I’m not saying I’m perfect,” patuloy pa niya.
Dahil sa kaniyang karanasan, inilahad ni Diego na gusto niyang maging isang advocate para sa mental health.
“I’m so happy I have this platform now para lang lalo kong ma-explain ‘yung nangyari sa nakaraan, sa past ko kung bakit ako umabot sa rehab.”
Isa sa mga plano ni Diego ang gumawa ng kaniyang sariling YouTube channel para madetalye niya ang kaniyang mga pinagdaanan at kaniyang mga karanasan, at paano siya nabago ng rehabilitation bilang tao.
Para sa mga nakararanas ng problema sa mental health, maaaring matawagan ang Luzon-wide landline (toll-free) ng National Center for Mental Health (NCMH) sa 1553. Maaaring tumawag ang Globe at TM subscribers sa 0917 899 8727 o 0966 351 4518, samantalang ang Smart, SUN, at TNT subscribers ay maaaring tumawag sa 0908 639 2672.
Kung nangangailangan din ng makakausap, ang 24/7 suicide prevention hotline na Hopeline ay maaaring makontak sa (02) 804-4673; 0917-5584673. —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News