Deniece Cornejo, Cedric Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

James Relativo – Philstar.com May 2, 2024 | 11:32am Composite image of Deniece Cornejo and Vhong Navarro The STAR / file, Jesse Bustos MANILA, Philippines (Updated 12:56 p.m.) — Hinatulang “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na […]

Deniece Cornejo, Cedric Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

Deniece Cornejo, Cedric Lee guilty sa 'illegal detention for ransom' vs Vhong Navarro — korte thumbnail

James Relativo – Philstar.com

May 2, 2024 | 11:32am

Composite image of Deniece Cornejo and Vhong Navarro

The STAR / file, Jesse Bustos

MANILA, Philippines (Updated 12:56 p.m.) — Hinatulang “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa ulat ng dzBB. Katumbas ito ng parusang hanggang 40 taong kulong.

Maliban kina Cornejo at Lee, kasamang pinatawan ng parusa ng Taguig court sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.

“WHEREFORE, premises considered, this court hereby finds acused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC LEE, FERDINAND GUERRERO and SIMEON PALMA RAAZ, GUILTY beyond reasonable doubt for the crime of SERIOUS ILLEGAL DETENTION FOR RANSOM, defined and punished under Article 267 of the Revised Penal Code, as amended; and hereby sentences them to RECLUSION PERPETUA,” ayon sa hatol na nilagdaan ni Presiding Judge Mariam Bien.

Kanselado na rin ang piyansang inilagak ng mga nabanggit. “Committed” na sa kulungan at hindi na pinalabas sina Cornejo at Raz, bagay na parehong dumalo sa promulgation kanina.

Isang warrant of arrest na ang inilabas laban kina Lee at Guerrero. Pinagbabayad din ng danyos na P300,000 ang mga akusado bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.

“All monetaryawards shall earn legal interest rate of 6% per aanum fromthe finality of this Judgment until fully paid,” dagdag pa ng korte.

“The bailbond/cashbonds posted by them are hereby CANCELLED.”

Maaari pang iapela ng mga nabanggit ang kanilang sintensya ngunit wala pang pahayag ang kanilang panig tungkol dito.

Hindi dumalo kanina ang aktor ngunit sinabi ng abogado ni Navarro na nagpapasalamat siya sa kinalabasan ng kaso matapos “makamit ang hustisya.”

Una nang naasintenshyaha ng Taguig court sina Lee at Cornejo ng hanggang tatlong tatlong pagkakakulong matapos ang “grave coercion” case dahil sa pag-atake noon kay Navarro.

Taaong 2022 nang arestuhin si Navarro matapos ireklamo ng acts of lasciviousness at rape ng modelong si Cornejo.

Gayunpaman, ibinasura ng Korte Suprema ang dalawang kaso ito laban kay Vhong noong 2023. Pinayagan siyang makapagpiyansa noon kahit karaniwang non-bailable ang reklamong rape. — may mga ulat mula kay Ian Laqui