Celia Rodriguez, aminadong maraming direktor ang ayaw sa kaniya

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, inihayag ng batikang aktres at kontrabida na si Celia Rodriguez na maraming direktor ang ayaw sa kaniya. Ibinahagi rin ni Celia ang isang pangyayari na sinabihan niya ang isang direktor na ayaw na din niyang makatrabaho. “I have been directed by a person na—almost all […]

Celia Rodriguez, aminadong maraming direktor ang ayaw sa kaniya

Celia Rodriguez, aminadong maraming direktor ang ayaw sa kaniya thumbnail

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, inihayag ng batikang aktres at kontrabida na si Celia Rodriguez na maraming direktor ang ayaw sa kaniya.

Ibinahagi rin ni Celia ang isang pangyayari na sinabihan niya ang isang direktor na ayaw na din niyang makatrabaho.

“I have been directed by a person na—almost all directors that I worked with, [sasabihin] ‘Susunod direk ha?’ ‘Susunod manay ha?’ But I had a director in Seiko Films, I will not share the name, ‘pag alis namin from Mindoro coming home, I said, ‘Direk, sandali,’ kuwento niya.

“Oh ano na naman, tita?” sabi pa ni Celia sa tanong ng direktor.

“You know what my greatest wish as an actress is? I hope to God I will never work with you again. I used the word never. [I] told him that,” patuloy ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na sinasabi niya sa direktor kapag may napupuna siya sa script na mahahaba.

“Kung bobo, sinasabihan ko. Hindi ko sinasabing ‘bobo ka,’ ano?” paliwanag niya.

Sa halip, sinabi raw niya na, “Direk, sandali. Eh bakit ang haba-haba? Eh ang ibig lang naman sabihin eh maligo ka, period. Bakit meron pang sabon, may duster? Hindi ba understood?”

Naiintindihan naman umano ng direktor ang kaniyang ipinupunto.

“That’s one thing they have in Hollywood. It is understood,” saad niya.

Napanood si Celia sa dating series na “Stolen Life,” na pinagbidahan nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.— FRJ, GMA Integrated News