Bong Revilla, kailangang operahan dahil sa tinamong injury sa ginagawang pelikula

Kailangang operahan si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos magtamo ng injury sa paa mula sa ginagawa niyang pelikula na “Alyas Pogi.” Sa Facebook livestream video nitong Martes ng gabi, sinabi ng senador na nagkaroon ng punit ang kaniyang Achilles heel dahil sa kaniyang pagtakbo sa shooting ng pelikula. Matapos na isailalim sa pagsusuri, inirekomenda […]

Bong Revilla, kailangang operahan dahil sa tinamong injury sa ginagawang pelikula

Bong Revilla, kailangang operahan dahil sa tinamong injury sa ginagawang pelikula thumbnail

Kailangang operahan si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos magtamo ng injury sa paa mula sa ginagawa niyang pelikula na “Alyas Pogi.”

Sa Facebook livestream video nitong Martes ng gabi, sinabi ng senador na nagkaroon ng punit ang kaniyang Achilles heel dahil sa kaniyang pagtakbo sa shooting ng pelikula.

Matapos na isailalim sa pagsusuri, inirekomenda umano ng duktor na isailalim siya sa surgery para matugunan ang tinamong pinsala niya sa paa.

“Na-MRI na po ako kanina, and the doctor said my Achilles heel tear is at 50%, dahil sa pagtakbo… ang bilis ko raw tumakbo. Iyon mga, itong sinasabi na hindi na tayo bumabata, tumatanda na, but I am okay,” ayon kay Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na nangyari ang insidente sa unang araw ng kanilang shooting sa pelikula na kasama niya sina Ara Mina at Epi Quizon.

“Medyo matagal-tagal… after ng operation, three to five months ang healing. Nakakainis. Medyo malungkot na balita, but I am okay. We will know by tomorrow [how the surgery will proceed]. Please pray for me,” pakiusap niya.

“May mga pangyayari minsan na hindi mo maiwasan. Basta ang importante, ipagdasal niyo po na hindi naman grabe,” dagdag ni Revilla.

Kasama ng senador sa livestream ang kaniyang anak na si Cavite Representative Jolo Revilla, na nananawagan din ng dasal para sa kaniyang ama.

“We will know further updates later… he will still be subjected to blood work before we know for sure if he is ready for surgery,” ayon sa nakababatang Revilla. —FRJ, GMA Integrated News