Beagle, kinagiliwan dahil sa pagiging sweet at clingy sa mga fur parent nito

Kinaaliwan ng netizens ang isang Beagle dahil sa pagiging bukod-tangi nito na loyal at sweet sa kaniyang mga fur parent sa Pasig City. Ang aso, binansagang si “Atingting” dahil sa kaniyang pagiging demanding sa atensyon. Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing siyam ang alagang aso ng fur parents na sina Mark at Mary Ann. […]

Beagle, kinagiliwan dahil sa pagiging sweet at clingy sa mga fur parent nito

Beagle, kinagiliwan dahil sa pagiging sweet at clingy sa mga fur parent nito thumbnail

Kinaaliwan ng netizens ang isang Beagle dahil sa pagiging bukod-tangi nito na loyal at sweet sa kaniyang mga fur parent sa Pasig City. Ang aso, binansagang si “Atingting” dahil sa kaniyang pagiging demanding sa atensyon.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing siyam ang alagang aso ng fur parents na sina Mark at Mary Ann.

Mapapanood sa kanilang video ang Beagle na si Athena, na clingy na adopted sister ng “Beagle Pawmily.”

Tila bawal tumingin sa ibang aso si Mark, dahil gusto ni Athena na sa kaniya lang ang mga yakap.

Kung minsan ay aalis, pero bumubuwelo lang pala si Athena para sa isang sweet kiss.

Ayon kina Mark at Mary Ann, malambing lahat ang siyam nilang Beagle, ngunit ibang usapan si Atingting.

Sang-ayon naman dito ang netizens, dahil milyon milyon na ang views sa Tiktok ng videos ni Athena at ang kanilang “Beagle Pawmily.” —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News