Anne Curtis, nais makatrabaho ang DongYan at iba pang Kapuso stars

Marso 21, 2024 11:01pm GMT+08:00 Ngayong mapapanood na rin sa GMA-7 ang noontime show na “It’s Showtime!,” inihayag ng isa sa mga host nito na si Anne Curtis ang mga Kapuso star na nais niyang makatrabaho. Nitong Miyerkules, kasama si Anne sa mga “It’s Showtime” hosts na dumayo sa bakuran ng Kapuso network para saksihan […]

Anne Curtis, nais makatrabaho ang DongYan at iba pang Kapuso stars

Anne Curtis, nais makatrabaho ang DongYan at iba pang Kapuso stars thumbnail

Marso 21, 2024 11:01pm GMT+08:00

Ngayong mapapanood na rin sa GMA-7 ang noontime show na “It’s Showtime!,” inihayag ng isa sa mga host nito na si Anne Curtis ang mga Kapuso star na nais niyang makatrabaho.

Nitong Miyerkules, kasama si Anne sa mga “It’s Showtime” hosts na dumayo sa bakuran ng Kapuso network para saksihan ng ginanap na contract signing.

Sinabi ng actress-TV host na asahan pa ang mga bagong sorpresa mula sa kanilang programa.

“This moment is a new chapter. So for us, we’ll be able to bring something new to the table in this new chapter all the time. Maaasahan ng Madlang Kapuso ‘yan,” ayon kay Anne.

Nang tanungin kung sino ang mga Kapuso stars na nais niyang makatrabaho, tinukoy niya sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na si Heart Evangelista at Bea Alonzo.

“I’m excited to be reunited with Bea,” sabi pa ni Anne.

Nais din niyang makatrabaho sina Jennylyn Mercado at si Gabbi Garcia, na nakasama niya sa isang proyekto.

Kabilang din sa mga host ng It’s Showtime na dumalo sa contract signing sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Darren Espanto, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.

“This is a transformative event, a transformative moment, hindi ito agad nangyari pero ngayong nangyayari na ito, this moment has a very strong, massive, transformative purpose,” sabi ni Vice sa kaniyang mensahe sa contract signing.

Mapapanood ang “It’s Showtime” sa GMA channel 7 simula sa April 6. Patuloy din itong mapapanood sa GMA Pinoy TV at GTV.—mula sa ulat ni Carby Basina/FRJ, GMA Integrated News