Anak ni Jericho, mas tutok sa football
Santino at Jericho Rosales Pogi naman ng anak ni Jericho Rosales na si Santino na isa palang football player. Nasa team siya ng Davao Aguilas FC. Bongga, parang mas kakabugin pa si Jericho ng anak na aniya sa post kahapon ay “Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa. Kaagaw ko sa steak. Love […]
Santino at Jericho Rosales
Pogi naman ng anak ni Jericho Rosales na si Santino na isa palang football player. Nasa team siya ng Davao Aguilas FC.
Bongga, parang mas kakabugin pa si Jericho ng anak na aniya sa post kahapon ay “Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa.
Kaagaw ko sa steak. Love you, pogs.
“I’m having a soft day. Take it or leave it.”
Pero mukhang walang planong mag-showbiz ni Santino.
Sayang, matinee idol pa naman ang datingan niya.
Hiwalay na sa misis si Jericho at sana nga ay makahanap siya ng isang babaeng makakasama niya sa habang-buhay.
Jessy nahuhulas sa pagpaligo kay Peanut
Aliw ako run sa pinakita sa aking Instagram story ni Jessy Mendiola na hawak ang anak pagkatapos paliguan.
Fresh na fresh daw ang anak nila ni Luis Manzano na si Peanut habang siya raw ay hulas na hulas.
Ang likot na raw ng anak nila na more than one year old lang kaya talagang nakaka-workout siya sa tuwing papaliguan ang anak.
Bongga. Ang saya-saya naman nila dahil kay Peanut na alam mong ngayon pa lang ay showbiz.
Hindi mahiyain ang hitsura.
Kung sabagay, sina Vilma Santos at Edu Manzano ba naman ang lola at lolo mo. Showbiz all the way talaga ‘yun.