Alden Richards, nagsalita tungkol sa ugnayan nila ni Kathryn Bernardo
Sinagot ni Alden Richards ang mga tanong tungkol sa mainit na pinag-uusapan ng netizens sa “kilig” moments nila Kathryn Bernando sa birthday celebration ng aktres. Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, nagkuwento si Alden tungkol sa naturang selebrasyon ni Kath. “I was invited and siyempre, it was […]
Sinagot ni Alden Richards ang mga tanong tungkol sa mainit na pinag-uusapan ng netizens sa “kilig” moments nila Kathryn Bernando sa birthday celebration ng aktres.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, nagkuwento si Alden tungkol sa naturang selebrasyon ni Kath.
“I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now,” saad niya.
Ayon kay Alden, hindi nawawala ang pagiging magkaibigan ni Kath sa paglipas ng panahon. Nagtambal ang dalawa sa hit movie na “Hello, Love, Goodbye.”
Tungkol naman sa reaksyon ng netizens sa kanila ng aktres, sabi ni Alden, “Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yung mga ganiyan. You know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang.”
Sa ngayon, abala si Alden sa kaniyang upcoming series, “Pulang Araw,” kung saan kasama niya si Dennis Trillo sa unang pagkakataon.
“Kaya siya Dennis Trillo, ‘yun yon. Nakita ko ‘yun kahapon. Kasi ang hirap din ng role niya. Mahusay din talaga. Idol din talaga si Kuya Dennis,” anang aktor.
Kasama sa historical action-drama series na “Pulang Araw” sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at David Licauco. —FRJ, GMA Integrated News