Alden Richards, bad boy ang karakter sa ‘Pulang Araw’: ‘Tama na tayo sa ‘goody goody’

Kaiba sa mga nakaraan niyang pagganap, bad boy at basagulero naman ang magiging karakter ni Alden Richards sa GMA Prime series na “Pulang Araw.” Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ni Alden na agad siyang pumayag nang ipresenta sa kaniya na “bad boy” ang kaniyang magiging role […]

Alden Richards, bad boy ang karakter sa ‘Pulang Araw’: ‘Tama na tayo sa ‘goody goody’

Alden Richards, bad boy ang karakter sa 'Pulang Araw': 'Tama na tayo sa 'goody goody' thumbnail

Kaiba sa mga nakaraan niyang pagganap, bad boy at basagulero naman ang magiging karakter ni Alden Richards sa GMA Prime series na “Pulang Araw.”

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ni Alden na agad siyang pumayag nang ipresenta sa kaniya na “bad boy” ang kaniyang magiging role sa historical action-drama series.

“Madumi, bad boy, basagulero. Ang nagustuhan ko kasi rito noong pinresent siya sa akin, ‘Madumi ka rito.’ ‘Okay po!” sabi ni Alden.

“Tama na tayo sa goody goody, linis-linis,” dagdag pa ng Asia’s Multimedia Star.

Ipinakita sa isa sa mga teaser ng Pulang Araw na World War II ang setting kung saan may mga lumilipad na fighter jets sa isang sakahan at may tunog ng mga sirena.

Makakasama ni Alden sa series sina Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco.

Gaganap sina Barbie at Sanya bilang magkapatid sa labas na sina Adelina at Teresita, na bodabil stars.

Gaganap naman si Alden bilang si Eduardo, kapatid din sa labas na lalaki ng karakter ni Barbie, na may dugong Amerikano.

Si David naman si Hiroshi, na isang sundalong Hapon.

Ang Pulang Araw ay sa direksyon ni Dominic Zapata at isinulat ni Suzette Doctolero. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News