Tom Rodriguez, balik-trabaho na at maging sa social media

Matapos magpahinga ng dalawang taon, magbabalik na sa trabaho si Tom Rodriguez, at unti-unti na siyang bumabalik sa social media. Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, ikinuwento ni Tom na naging simple ang pamumuhay niya sa Amerika matapos silang maghiwalay ng kaniyang dating asawa na si Carla […]

Tom Rodriguez, balik-trabaho na at maging sa social media

Tom Rodriguez, balik-trabaho na at maging sa social media thumbnail

Matapos magpahinga ng dalawang taon, magbabalik na sa trabaho si Tom Rodriguez, at unti-unti na siyang bumabalik sa social media.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, ikinuwento ni Tom na naging simple ang pamumuhay niya sa Amerika matapos silang maghiwalay ng kaniyang dating asawa na si Carla Abellana.

“Two weeks lang dapat ako nando’n. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit,” anang aktor.

“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” dagdag niya.

Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas, naghahanda si Tom sa kaniyang pagbabalik sa theater industry para sa concert version ng “Ibarra: The Musical,” na ilalabas sa ikalawang bahagi ng 2024.

“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” saad niya.

Inihayag din ni Tom na naninibago siya sa kaniyang pagbabalik sa social media.

“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back,” ayon kay Tom, na sinusubukan din na maibalik ang dati niyang account sa Instagram.

“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” dagdag niya.

Nitong nakaraang buwan bumalik sa bansa si Tom, na lumipad sa Arizona, USA noong 2022, matapos ang hiwalayan nila ni Carla. —FRJ, GMA Integrated News