Teaser post ng ‘It’s Showtime,’ pinag-usapan ng netizens

Pinag-usapan ng netizen ang teaser na ipinost ng noontime show na “It’s Showtime!.” Sa kanilang Facebook page, isang larawan na may apat na cartoon figures ang kanilang ipinost, at may caption na, “Good news, Madlang People! Abangan!” Ang ilang netizens, napansin ang heart figure na tila nadagdag sa tatlong cartoon figures na nakikita sa logo […]

Teaser post ng ‘It’s Showtime,’ pinag-usapan ng netizens

Teaser post ng 'It's Showtime,' pinag-usapan ng netizens thumbnail

Pinag-usapan ng netizen ang teaser na ipinost ng noontime show na “It’s Showtime!.”

Sa kanilang Facebook page, isang larawan na may apat na cartoon figures ang kanilang ipinost, at may caption na, “Good news, Madlang People! Abangan!”

Ang ilang netizens, napansin ang heart figure na tila nadagdag sa tatlong cartoon figures na nakikita sa logo ng programa.

Matatandaan na noong nakaraang Hunyo, pumirma ng kontrata ang pamunuan ng “It’s Showtime” upang maipalabas din ito sa GTV channel ng GMA Network.

Napapanood ang “It’s Showtim” tuwing tanghali sa GTV mula Lunes hanggang Sabado.– FRJ, GMA Integrated News