‘Tahanang Pinakamasaya,’ nagpaalam na sa ere

Nagpaalam na sa mga manonood noong Sabado ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.” Inihayag ito ng King of Talk na si Boy Abunda sa kaniyang programang “Fast Talk With Boy Abunda,” nitong Lunes. “Nagpaalam na sa manonood ang noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya,’” saad ni Tito Boy. Ipinakita sa talk show ang video clip sa […]

‘Tahanang Pinakamasaya,’ nagpaalam na sa ere

'Tahanang Pinakamasaya,' nagpaalam na sa ere thumbnail

Nagpaalam na sa mga manonood noong Sabado ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”

Inihayag ito ng King of Talk na si Boy Abunda sa kaniyang programang “Fast Talk With Boy Abunda,” nitong Lunes.

“Nagpaalam na sa manonood ang noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya,’” saad ni Tito Boy.

Ipinakita sa talk show ang video clip sa episode ng “Tahanang Pinakamasaya” noong Sabado na makikitang nagyakapan ang mga host ng programa, na kinabibilangan nina Isko Moreno, Paolo Contis, at Buboy Villar.

Kinumpirma rin ng aktres at isa sa mga host ng “Tahanang Pinakamasaya” na si Chariz Solomon, na final episode na ng programa noong Sabado, March 2.

“I’m excited for God’s greater purpose for this Beautiful family. #TahanangPinakamasaya indeed,” saad ni Chariz sa kaniyang post sa Instagram.

Ayon kay Tito Boy, maglalabas ng joint statement ang TAPE Inc. at GMA Network sa darating na mga araw. —FRJ, GMA Integrated News