Sofia Pablo, gaganapin ang kaniyang pre-debut shoot sa Taipei, Taiwan

Para sa kaniyang nalalapit na debut, napili ni Sofia Pablo ang Taipei, Taiwan para doon ganapin ang kaniyang pre-debut shoot. Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing na-finalize na rin ng Sparkle teen star ang lights and sounds para sa event. Nakapag-food tasting na rin si Sofia. Gayunman, mananatili munang sikreto ang performer sa […]

Sofia Pablo, gaganapin ang kaniyang pre-debut shoot sa Taipei, Taiwan

Sofia Pablo, gaganapin ang kaniyang pre-debut shoot sa Taipei, Taiwan thumbnail

Para sa kaniyang nalalapit na debut, napili ni Sofia Pablo ang Taipei, Taiwan para doon ganapin ang kaniyang pre-debut shoot.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing na-finalize na rin ng Sparkle teen star ang lights and sounds para sa event.

Nakapag-food tasting na rin si Sofia.

Gayunman, mananatili munang sikreto ang performer sa kaniyang debut, ngunit hint ni Sofia na ito ang kaniyang favorite group.

Sa Abril 10 na ang kaniyang debut.

“Sa Taipei po talaga ‘yung location ng pre-debut kasi sabi ko nga po as always, once lang talaga siya in a lifetime,” saad ni Sofia.

“So gusto ko talaga kung ano ‘yung pinangarap ko, what I dreamt of. Isa talaga sa goals ko ‘yung sa ibang bansa magpre-debut para super memorable, kasi mahilig po talaga akong mag-travel,” dagdag niya.

— Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News