Rufa Mae, nakitaan ng resibo na hiwalay na sa mister?!

Bongga ang 7th birthday celebration ni Athena na anak ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na ginanap sa San Francisco, California. Binahagi niya ang mga litrato nila sa Kuromi-themed birthday celebration ng daughter nila ng mister na si Trevor Magallanes. Ang ganda ng kanyang party na puno ng pink, purple, and black flowers […]

Rufa Mae, nakitaan ng resibo na hiwalay na sa mister?!

Rufa Mae, nakitaan ng resibo na hiwalay na sa mister?! thumbnail

Bongga ang 7th birthday celebration ni Athena na anak ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na ginanap sa San Francisco, California.

Binahagi niya ang mga litrato nila sa Kuromi-themed birthday celebration ng daughter nila ng mister na si Trevor Magallanes.

Ang ganda ng kanyang party na puno ng pink, purple, and black flowers at balloons.

Dalawa pa ang outfit na sinuot ng bagets na mala-princess sa kanyang white tulle dress at nagpalit ng sequined halter dress.

Ang gandang tingnan ng mag-ina sa kanilang photos na lutang ang kaseksihan ng mommy at ganda ng mga ito.

Pero iisa ang napansin ng netizens, hinahanap nila ang mister ni Rufa Mae.

Nagtataka ang marami kung bakit wala ito sa important event ng kanyang daughter.

Kaya naman tanong ng netizens, kabilang din kaya ang mag-asawa sa mga naghiwalay na celebrity couples?

Noon pang December last year ay tila napapansin ng mga tagahanga niya na hindi ito nagpo-post kasama ang mister.

Sa isang post kung saan dumalo ang aktres sa school event ng anak ay dalawa lang din sila.

Doon naman nagtanong ang isang netizen kung sila pa rin ba ng mister na tipid namang sinagot ni Rufa Mae ng “yes.”

Magsasalita kaya ang komedyante tungkol dito?

Kaya naman siguradong nakabantay ang netizens kung muling magpo-post ito ng litrato nilang magkasama at doon lamang matatahimik ang mga ito.