Ria Atayde at Zanjoe Marudo, engaged na

Nag-level up pa ang relasyon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ngayong engaged na ang dalawa. Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa pamamagitan ng Instagram posts na may kasamang mga larawan, kabilang ang engagement ring ni Ria. “Forever sounds good,” saad nila sa caption na may white heart at ring emoji. Dinagsa naman ng […]

Ria Atayde at Zanjoe Marudo, engaged na

Ria Atayde at Zanjoe Marudo, engaged na thumbnail

Nag-level up pa ang relasyon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ngayong engaged na ang dalawa.

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa pamamagitan ng Instagram posts na may kasamang mga larawan, kabilang ang engagement ring ni Ria.

“Forever sounds good,” saad nila sa caption na may white heart at ring emoji.

Dinagsa naman ng pagbati ang dalawa sa comment section, maging sa kanilang mga kapuwa celebrities  gaya nina Iya Villania na nagsabing, “Aww congrats you guys.”

“OMG!! My heartfelt congratulations go out to the both of you! God bless you,” ayon naman kay Gary Valenciano.

Enero noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Zanjoe ang relasyon nila ni Ria.

Kapatid ni Ria ang aktor at kongresista ngayon ng Quezon City 1st District na si Arjo Atayde, asawa na ngayon ni Maine Mendoza. — FRJ, GMA Integrated News