Regine, aminadong ‘di dasurv ang national artist award
Sa April 19 na gaganapin sa Mall of Asia Arena ang ‘Regine Rocks (The Repeat)’ concert ni Regine Velasquez. Ayon sa Asia’s Songbird ay maraming mga bagong elemento ang idinagdag ngayon kumpara sa naunang concert noong November 25. “Halos 50% of the repertoire is new. Naglagay na kami ng mga ‘90s alternative rock. Kasi ‘yung […]
Sa April 19 na gaganapin sa Mall of Asia Arena ang ‘Regine Rocks (The Repeat)’ concert ni Regine Velasquez.
Ayon sa Asia’s Songbird ay maraming mga bagong elemento ang idinagdag ngayon kumpara sa naunang concert noong November 25. “Halos 50% of the repertoire is new. Naglagay na kami ng mga ‘90s alternative rock. Kasi ‘yung first one, we concentrated on the rock talaga, quintessential rock talaga. Ngayon naglagay na kami ng mga ‘90s alternative,” pagbabahagi ni Regine.
Samantala, mayroong mga tagahanga ang nagpepetisyon upang maideklarang National Artist ang singer-actress. Para sa mga sumusuporta kay Regine ay marami nang napatunayan o kontribusyon sa industriya sa halos apat na dekada ang kanilang idolo. “Parang nahihiya ako. There are more artists who are more qualified. I don’t think I’m qualified yet. I still have a long way to go, but thank you. I appreciate it very much for the people na nagpu-push pero huwag muna. Meron pang mas qualified sa akin,” mapagkumababang reaksyon niya.
Para kay Regine ay mayroon pang ilang pangalan at kasamahan sa music industry ang dapat kilalaning mga National Artist. “I want Pilita Corrales to be a National Artist, Jose Mari Chan. Hindi ko pa panahon ngayon. So huwag muna, meron pang mas qualified sa akin. Those are the people who should be in there. At sana malagay sila do’n habang buhay pa sila para ma-enjoy nila,” giit ng Asia’s Songbird.
Maymay, napagod sa ex
Easter Sunday nang maganap ang pagbibinyag bilang isang Christian ni Maymay Entrata. Naibahagi rin ng aktres sa kanyang Instagram account ang larawan at bidyo ng mga kagapanan noong Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa aktres ay taong 2015 pa nang siya ay maging isang Christian pero naging abala sa kabi-kabilang proyekto mula nang pasukin ang show business.
Maraming mga suliranin sa buhay ang kinaharap ni Maymay na talagang sumubok sa kanyang pananampalataya sa Diyos. “Ang dami pong pagsubok talaga bago ako nagbalik-loob sa Panginoon. ‘Yun ‘yung deklarasyon ko kumbaga, na magko-commit ako fully sa Panginoon. Kasi nasanay po ako na kontrolado ko ‘yung buhay ko, ‘yung plano ko,” makahulugang pahayag ni Maymay.
Matatandaang kinumpirma ng dalaga kamakailan na nagkahiwalay na sila ng kasintahang si Arron Haskell.
Unang pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan nang mapansin ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram noong huling linggo ng Pebrero.
Tanggap umano ni Maymay na kontrolado talaga ng Diyos ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang personal na buhay. “At the end of the day, napapatanong ako, bakit ako napapagod? Kasi ‘yon pala, God is in control,” dagdag ng aktres. — Reports from JCC