Pokwang,‘di ipagdadamot si Malia kay Lee
Na-deport na ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’Brian. Umalis ng Pilipinas si Lee patungong San Francisco, U.S.A. noong Lunes. Pinanigan ng Bureau of Immigration ang deportation case na isinampa ni Pokwang laban kay Lee noong nakaraang taon. Ang reklamo ni Pokwang ay iligal ang pagtatrabaho ng dating kasintahan sa iba’t ibang production […]
Na-deport na ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’Brian. Umalis ng Pilipinas si Lee patungong San Francisco, U.S.A. noong Lunes.
Pinanigan ng Bureau of Immigration ang deportation case na isinampa ni Pokwang laban kay Lee noong nakaraang taon. Ang reklamo ni Pokwang ay iligal ang pagtatrabaho ng dating kasintahan sa iba’t ibang production company sa Pilipinas. Wala umanong kaukulang working permit ang aktor.
Bukod sa deportation ay blacklisted na rin si Lee sa Bureau of Immigration kaya hindi na maaaring makabalik pa sa Pilipinas. Ayon kay Pokwang ay mabuti ang nangyari upang umayos na rin ang buhay ni Lee sa Amerika. “Para sa ikabubuti naming dalawa, para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos. Ako rin gano’n, para makapag-provide kami nang maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito eh. So paano siya makakapag-support sa anak niya,” pahayag ni Pokwang.
Hindi raw kailan man pagbabawalan ng komedyana ang anak nila ni Lee na si Malia na makasama ang ama sa Amerika. “When it comes to karapatan niya kay Malia hindi ko naman ‘yon ipagdaramot. Basta ayusin lang niya ‘yung buhay niya. Tatay pa rin siya ni Malia, hindi ko aalisin ‘yon. Kung gusto siya dalawin ni Malia sa Amerika, go. Ihahatid ko pa basta ibabalik sa akin. At least for the peace of mind, both sides. At makapagtrabaho siya nang maayos. Kasi nga bawal siyang makapagtrabaho rito. Sayang, kasi may pinag-aralan naman siyang tao. Gamitin niya ‘yung tinapos niya. Magtrabaho siya do’n, mag-ipon siya hindi lang para kay Malia kundi para sa sarili niya. Kasi 49 (years old) na siya eh, ayusin na niya ‘yung buhay niya,” paliwanag ng aktres.
Misis ni Robi, walang historical data
Naibahagi ni Robi Domingo sa publiko kung ano na ang kalagayan ng asawang si Maiqui Pineda ngayon. Matatandaang unang napabalita noong isang taon na mayroong dermatomyositis ang misis ng TV host. “It’s an autoimmune condition that targets ‘yung skin niya derma, ‘yung muscle pero hirap siya do’n sa lungs. So ayan ang hirap no, balat, ‘yung muscle parang lahat na halos. So no’ng mga unang beses hindi siya makalakad, hindi makakain. Ibang-iba itsura niya dati. Some people say it’s genetics, the vaccine, some people say it’s because of Covid. So wala siyang historical data kaya ang hirap i-treat,” paglalahad ni Rob isa ABS-CBN News.
Anim na taong magkasintahan sina Maiqui at Robi bago pa tuluyang nagpakasal noong Enero lamang. Para sa TV host ay talagang mahirap na masaksihan ang lahat ng pinagdaraanan ni Maiqui dahil sa naturang autoimmune disease. “It’s hard for me to see your partner forever in that condition na nagsimula kayo hindi naman gano’n. Tapos biglang may drastic change but whenever I look at her, I just think of the moment na first time na nagkita kami. Kung paano na-develop and I promised her we will see this through,” makahulugang pahayag ng TV host. (Reports from JCC)