Pelikulang ‘Rewind,’ mapapanood sa Netflix sa March 25; iba pang MMFF movies, susunod na
Mapapanood na susunod na linggo sa Netflix ang blocblockbuster movie na “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Susunod naman ang iba pang pelikulang naging kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023. Inihayag ng Netflix na matapos ang “Rewind,” ipalalabas naman sa April 4 ang pelikula nina Pokwang at Eugene Domingo na “Becky and […]
Mapapanood na susunod na linggo sa Netflix ang blocblockbuster movie na “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Susunod naman ang iba pang pelikulang naging kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023.
Inihayag ng Netflix na matapos ang “Rewind,” ipalalabas naman sa April 4 ang pelikula nina Pokwang at Eugene Domingo na “Becky and Baddette.”
Sa April 9 naman ipalalabas ang “GomBurZa,” na pinangungunahan nina Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan.
Ang pelikulang “Kampon” nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay ay ipalalabas sa April 18.
Sa June, mapapanood din ang tatlo pang MMFF movies na “Family of Two” nina Alden Richards at Sharon Cuneta (June 1); “Penduko” ni Matteo Guidicelli (June 7); at “Mallari” ni Piolo Pascual (June 21). — FRJ, GMA Integrated News