Pauleen, takot mabingi ang bunsong anak!
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon April 14, 2024 | 12:00am Agree si Pauleen Luna sa sinabi noon ni JK Labajo na dapat ay proteksyunan ang sense of hearing ng mga sanggol. Kapansin-pansin ang earmuffs na sinusuot ng bunsong anak niyang si Baby Mochi kapag nasa labas ito. Nung first airplane ride […]
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon
April 14, 2024 | 12:00am
Agree si Pauleen Luna sa sinabi noon ni JK Labajo na dapat ay proteksyunan ang sense of hearing ng mga sanggol.
Kapansin-pansin ang earmuffs na sinusuot ng bunsong anak niyang si Baby Mochi kapag nasa labas ito.
Nung first airplane ride ni Baby Mochi ay naka-earmuffs na ito sa buong biyahe. Ganundin nung first time na dinala ni Pauleen ang kanyang bunso sa studio ng Eat Bulaga ay tulog na tulog ito kahit maingay sa audience dahil sa earmuffs.
“Noise cancelling ‘yung earmuffs kay Mochi kuya,” text sa akin ni Pauleen.
“Kasi super sensitive pa ang hearing nila. ‘Di ba nga when they sleep, konting kaluskos lang nagigising sila?
“What more pa ‘pag dinala mo sa lugar na may mga loud speaker,” dagdag na text sa akin ni Pauleen.
Kaya tama naman pala talaga si JK na dapat hindi dinadala sa concert ang mga sanggol. Inilayo nga niya ‘yung bata, at pinahanapan niya ng earphone man lang na puwedeng itakip sa tenga ng bata.
Kaya palakpakan tayo kina JK at Pauleen na alam nila kung paano proteksyunan ang mga sanggol kagaya ni Baby Mochi.
Lani, gustong magka-pelikula na pang-streaming
Maliit lang na asalto celebration ang inihanda ng mga anak ni Cong. Lani Mercado para sa kanyang 56th birthday.
Kahapon ang birthday ni Cong. Lani, pero noong Biyernes ng gabi ay sinalubong na ito ng buong pamilya sa kanilang farm sa Silang, Cavite.
Ayaw naman ni Cong. Lani na mag-celebrate talaga dahil mas gusto raw niyang mag-focus na lang sa mga activities nila sa Bacoor. Kagaya kagabi na kung saan ay talagang dinagsa ng napakaraming tao ang kanilang G na G with Ate Lani concert, tampok ang bandang Itchyworms at Flow G.
Sa mga susunod na araw ay may bloodletting program siya, opening ng covered court sa iba’t-ibang barangay ng Bacoor, job fair at medical mission.
Wala na rin naman daw siyang birthday wish kundi pasasalamat at bahala na raw si Lord kung saan siya dadalhin.
“Wala na siguro tayong mahihiling pa. Kung ano ang gusto ni Lord para sa atin, bahala na Siya. Kumbaga, kung ano ang plano niya sa buhay ko, basta nagsa-submit na ako sa kanya,” pakli niya.
Sa totoo lang, ang gusto raw sana niyang balikan ay ang pag-arte.
Naisisingit niya kasi minsan ang panonood sa Netflix at ilang streaming service, at karamihan daw sa mga pinapanood niya ay Pinoy films.
“Medyo nakaka-miss ang show business. Parang feeling ko nga retired na ako sa showbiz, kasi ang buhay ko ay parang na-involve ko na sa public service. Sana magkaroon pa rin tayo ng projects kahit papano. Sana ‘yung ano na lang, ‘yung may halaga, may essence. ‘Yung gusto ko talaga.
“Madalas kasi ako manood ng Netflix, at ang pinapanood ko mga pelikulang Tagalog. So, nakaka-miss. I hope one of these days makagawa tayo ng pelikula na siyempre mailalagay din sa mga Netflix na yan,” saad ni Cong. Lani.
Ang isa sa nagulat kami ay si Sen. Bong Revilla na parang ang laki ng ibinagets.
Mukhang pinanindigan niyang dapat na bagay na bagay sa kanya ang role sa pagbabalik niya sa pelikula.
Gagawin na nga ni Sen. Bong ang Birador: Alyas Pogi 4 kaya ewan ko kung ano ang ginawa niya sa mukha niya bakit parang lalo siyang bumagets at pumogi.
“Exercise at saka kailangan laging masaya ka, at huwag ka masyadong mamroblema sa buhay mo. At magpasaya ka ng mga tao. You make people happy, maligaya na rin buhay mo,” napangiti niyang pahayag.
Ayaw munang magbigay ng detalye ni Sen. Bong tungkol sa pelikulang gagawin niya.
Basta excited siya sa cast na pawang malalaki at magagaling na artista ang involved dito.
“Sopresa ‘yan. Basta malaking pelikula ang gagawin ng Imus Productions. Talagang pinaghandaan po namin to para sa pagbabalik ko sa pelikula.
“Ang pinag-iisipan natin ngayon kung isasali ba natin sa Metro Manila Filmfest or on a regular playdate na Nov. 30.
“So, ‘yun na lang ang pinag-iisipan natin ngayon.
“Napakalaking pelikula at napakatindi ng casting, hindi biro. Itong casting na to ay pangarap lang na maisakatuparan sa pelikula,” dagdag ng aktor na senador.