Operasyon ni David, naudlot

Nitz Mirallez – Pilipino Star Ngayon May 2, 2024 | 12:00am MANILA, Philippines — Hindi pala natuloy ang Radiofrequency Ablation o RFA operation na gagawin kay David to cure his sleep apnea. Ibinalita ito ng handler ni David sa GMA at walang sinabing dahilan. Ang sabi lang ng handler, “According to David, he has decided […]

Operasyon ni David, naudlot

Operasyon ni David, naudlot thumbnail

Nitz Mirallez – Pilipino Star Ngayon

May 2, 2024 | 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pala natuloy ang Radiofrequency Ablation o RFA operation na gagawin kay David to cure his sleep apnea. Ibinalita ito ng handler ni David sa GMA at walang sinabing dahilan.

Ang sabi lang ng handler, “According to David, he has decided not to proceed with the operation. He plans to reschedule it, although the date is uncertain at the moment. Thank you to everyone who has expressed concern for David.”

Ang dami na sanang nagpaabot ng well wishes kay David at si Barbie Forteza nga, nabanggit na ipagpe-pray nila na maging successful ang RFA operation ng aktor.

Sabi ng Google, minimally invasive ang operation, pero matagal palang gumaling.

Iyon siguro ang nakapigil kay David na ‘wag munang ituloy ang ope­ration, plus, tuluy-tuloy ang taping nila ng Pulang Araw.

Idagdag din ang sunud-sunod na TVC shoot at photoshoot niya sa marami niyang endorsements.

Samantala, sa isang interview kay David, parang inamin nitong may girlfriend siya sa sagot na “Very understanding ‘yun, hindi nagseselos.”

Nakita na rin yata ng mga fans ni David ang GF dahil sa isang event, kasama niya ito sa loob ng SUV.

Ito ‘yung time na may mga nagpa-picture sa kanya at pinansin na hindi siya nakangiti sa picture taking.

‘Yun pala may sakit siya that time at 1am., na tapos mag-i-expect kayo na nakangiti pa rin si David.