MTRCB chair Lala Sotto sa unang pagkikita nila ni Vice Ganda: ‘Masayang masaya ako’
Inilahad ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na labis ang kaniyang saya nang makita na niya sa personal sa unang pagkakataon si Vice Ganda. Sa panayam ng showbiz press, na mapapanood sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Sotto na nagkita sila ni Vice sa isang fashion show event. “We […]
Inilahad ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na labis ang kaniyang saya nang makita na niya sa personal sa unang pagkakataon si Vice Ganda.
Sa panayam ng showbiz press, na mapapanood sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Sotto na nagkita sila ni Vice sa isang fashion show event.
“We finally met. Few days ago lang. I was so, so happy to have finally met Vice Ganda,” sabi ni Sotto.
“Masayang masaya ako na na-meet ko siya in person for the first time in my life,” saad pa niya.
Ayon kay Sotto, walang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa, kundi kusa silang nagkatagpo sa event.
“Nakakatuwa, kasi nobody introduced us, I just of course knew na siya si Vice Ganda. And then, nagkataon lang kasi napakadaming tao so nagkatapat kami. So, ayan, nagkita kami, nagbeso kami,” anang MTRCB chair.
Gayunman, hindi na rin sila nakapag-usap nang matagal dahil sa ikli ng oras.
“Saka mabilis lang rin because the show was about to start at that time,” sabi ni Sotto.
Wala ring nabanggit si Vice na anumang negatibo sa publiko.
“Yes, never. Wala naman, wala namang sinabing masama,” sabi pa ni Sotto.
“Yes, nakakatuwa. Praise God. I was so happy.”
Matatandaang sinuspinde ng MTRCB ang “It’s Showtime” ng 12 airing days, matapos magreklamo ang ilang viewers sa July 25, 2023 episode kung saan umakto umano ang mga host nito nang hindi angkop sa “Isip Bata” segment. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News