Maxine Medina, magiging mommy na!

Ibinahagi ni Maxine Medina na buntis siya sa unang anak nila ni Timmy Llana. Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, ipinost ni Maxine ang larawan nila ni Timmy kasama ang ultrasound scan ng kanilang baby. “We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of […]

Maxine Medina, magiging mommy na!

Maxine Medina, magiging mommy na! thumbnail

Ibinahagi ni Maxine Medina na buntis siya sa unang anak nila ni Timmy Llana.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, ipinost ni Maxine ang larawan nila ni Timmy kasama ang ultrasound scan ng kanilang baby.

“We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy!” saad ng beauty queen-actress.

“Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG… weeee can’t wait  #blessedlife Thank you Lord,” pagpapatuloy pa ni Maxine.

Ayon pa ni Maxine, naiyak siya nang marinig ang unang tibok ng puso ng kaniyang baby sa sinapupunan.

Ikinasal sina Maxine at Timmy sa isang beach, at sa isa pa sa simbahan noong Oktubre ng nakaraang taon.

Apat na taon na silang nagde-date bago na-engaged noong 2022.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News