Kwento ng tagumpay ng P-Pop Girl group BINI, itatampok ni Victoria tulad

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon March 8, 2024 | 12:00am Makikihataw sa trending hit na Pantropiko ang resident Kapamilya broadcast journalist na si Victoria Tulad kasama ang Nation’s Girl Group na BINI, na ibabahagi rin ang kwento ng kanilang tagumpay at mga pinagdaanan para marating ang tuktok ng P-Pop scene ngayong Linggo […]

Kwento ng tagumpay ng P-Pop Girl group BINI, itatampok ni Victoria tulad

Kwento ng tagumpay ng P-Pop Girl group BINI, itatampok ni Victoria tulad thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

March 8, 2024 | 12:00am

Makikihataw sa trending hit na Pantropiko ang resident Kapamilya broadcast journalist na si Victoria Tulad kasama ang Nation’s Girl Group na BINI, na ibabahagi rin ang kwento ng kanilang tagumpay at mga pinagdaanan para marating ang tuktok ng P-Pop scene ngayong Linggo (Marso 10) sa Tao Po.

Maliban sa pagiging viral ng kanilang newest single sa social media na umani ng samu’t saring dance challenges kabilang ang ilang trending videos mula sa sikat na Korean idols, babalikan ng mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang kanilang pakikipagsapalaran bago ang kanilang ‘di malilimutang debut at ang tinatamasa nilang tagumpay sa showbiz at musika.

Samantala, maantig naman sa kwentong ibabahagi ni Kapamilya anchor na si Bernadette Sembrano, tampok ang katatagan ng single mom na si Mariz Matibag na mag-isang pinalalaki ang apat niyang anak, kabilang ang baby triplets niya—sa kabila ng pinagdaanang pagsubok ng kanyang relasyon sa kanyang asawa noon.

Darayo naman sa Cavite ang inyong Kabayan Noli de Castro para bisitahin ang maybahay na si Monette Villanueva, na siyang tumatayong sandigan ng kanyang mga anak at asawang si Alex na may hindi pangkaraniwang sakit. Dito bibigyang-diin ang kondisyon ni Alex na X-linked dystonia Parkinsonism, at ang determinasyon ni Monette na matustos ang pagpapagamot ng kanyang mister at ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Mapapanood ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon mula sa mga kababaihang ito ngayong Linggo sa Tao Po tuwing 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.